Pumasok na ako sa unang klase ko. Nag sisisi akong accounting ang pinili kong course kaya this time I chose art class. What could go wrong? Mag dra-drawing lang naman ang gagawin dito diba?
Late ako kaya naman ay punuhan na ang upuan sa likod, ang natitira nalang ay ang upuang nasa pinaka unang linya sa harap ng pisara. Good thing wala pa ang lecturer ngayon.
"Move that's my seat." Sinapan ko ang likod ng ulo ng babaeng nasa bungad ang upuan.
"What the f**k? Miss may can't you see na may bakante pang upuan sa harap?" Masama siyang aumirap saakin at biglang tumayo para makipag face to face saakin.
Another reason, JULIEN MIGUEL is here. Isa siya sa mga taong nasa listahan ko and she has the highest probability na siya nga ang hinahanap ko.
"I want this seat, may problema ba?" Naglakad ako papalapit sakanya pero hindi siya nag patinag at lumapit din siya saakin.
"Listen here transferee, itong Wilson University? This is my territory, kung sa tingin mo ay kaya mong mag siga-siga sa lugar na ito puwes diyan ka nagkakamali. What can a puny businessman like your father do to my governor father huh?"
Tumingin siya sa likod na parang nag sisisenyas. Nagsitayuan ang karamihan sa mga estudyante sa likod at pinalibutan kaming dalawa. Sinubukan kong umalis sa bilog na ginawa nila pero tinulak lang nila ako pabalikd sa loob.
"Who says money can make you the boss in this place?"
Hinawakan ako ng dalawang malalaking lalaki sa magkabilaang braso at pilit na pinaluhod sa harapan niya.
"Kung anong ginawa mo saakin I will return that to you a hundred fold." Malamig niyang sabi saakin at akmang sasapakin din ako sa likod.
Humagakpak ako sa tawa dahilan para matigilan siya at mag tinginan ang mga nasa paligid.
"What nababaliw ka na ba? Hindi pa nga umaabot ang mga palad ko sa ulo mo." She raised a brow.
"I'm sorry hindi ko lang mapigilang matawa dahil sa sinabi mong governor ang tatay mo." Pinunasan ko ang nangingilid na luha sa mga mata ko at mapang asar siyang tinignan.
"Diba kaya ka nga tinapon ng sinasabi mong governor na tatay mo dito sa Wilson University dahil nalaman niyang anak ka ng nanay mo sa family driver niyo?" I giggled at sakabinigyan ng tig isang sipa ang dalawang lalaking nakahawak saakin sa sikmura.
"What do you mean? Stop spewing nonsense!" Sigaw ng babaeng nasa likod ni Julien.
"Yeah nag donate nga si governor sa university last month eh, pinapakita niya kung gaano siya kapabor kay Julien." Singit ule ng isa pang manonood. Nag tanguhan naman ang mga nakikinig bilang pag sang ayon.
Muli akong natawa dahil sa mga bobong nasa paligid ko, "Do you mean, nag donate ang tatay kuno niyang governor sa president ng university para wag ipagkalat ang sikreto niya?"
Natahimik ang mga nasa aligid dahil sa sinabi ko. Natataranta namang tumingin saakin si Julien at halatang takot na malaman ng iba ang sikreto niya.
"You're telling lies! b***h I'm going to rip your mouth!" Sinugod niya ako at sinabunutan. Pagkahawak niya sa buhok ko ay hindi ako lumaban o pumiglas man lang. Abala siya sa pag atake saakin at hindi na napansin ang ngisi ko sa muka.
"What is happening here?! Miss Miguel!" Agad kaming pinaghiwalay ng professor na pumasok sa loob ng klase.
"What do you think you're doing?! This is a place where you should learn, hindi lugar para makipag basag ulo Julien! Are you okay? You must be Joana the transferee."
I acted pitifully in front of our new professor, "I-I can't stand, I think I broke my ankle."
"To the dean's office, now."
I smirked at Julien. Naupo na ako sa dating inuupuan ni Julien kaninang pumasok ako sa room.
"You to Miss Richardson, you think makakawala ka sa gulong to? Kababagong pasok mo nasali ka agad sa gulo. Did you think hindi namin malalaman ang tungkol sa mga kalokohang ginawa mo pagkarating mo sa loob ng univesity?"
Nawala ang ngiti ko at naiinis na tumingin sa guro. Agad naman ang binati ng ngisi ni Julien bago lumabas ng silid at sumunod sa professor.
Whatever hindi din naman ako mag tatagal dito.
Nadatnan naming walang tao ang office kaya nauna na kaming naupo.
"Mag antay kayong dalawa dito, I need to get back sa klase natin. You better not fight here." Tinignan muna kaming dalawa ng prof namin bago siya tuluyang umalis.
Nabalot ng katahimikan ang buong silid.
"This is bullshit, kasalanan mo ito eh." Siya ang unang nagsalita.
"How come naging kasalanan ko ang lahat ng ito? Ikaw nga tong nanakit saakin eh."
"Unang nanakit? Sinong nag sabing sapakin mo ko sa ulo just because you want my seat?"
"Kung nakinig ka nalang sana sakin at lumipat ng upuan edi natapos ang lahat." I sneered.
"Anong tingin mo sakin bobo? Kabisado ko na ang mga gaya mo, alam ko naman na kahi sumunod ako sa gusto mo ay hindi mo pa din ako titigilan. You just want attention bitch."
I shrugged dahil what she said is partly true. My first reason was to annoy her and second was to get her spot. She so fun to fight! Magaling siya at kaya niyang bumasa ng sitwasyon. Makikipagbangayan pa sana uli ako sakanya ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki.
"Oh, Miky?" I blurted loud.
Same face feature, same height but his eyes are stranger to me, its not him.
"You know my younger brother?" Nagsalita siya at saka ko totally na confirm na hindi siya si Miky. Mas husky ang boses niya kumpara sa Miky na kilala ko.
"No, I just saw him during gang fights." I laughed. Napangiti naman siya at naglakad na papuntang mesa niya.
"Enough with my troublesome brother and let's talk about what you did."
Isinadula ni Julien ang buong nagyari na may halong ka OA-yan. Yung mahinang sapak ko sa likod ng ulo niya, ikinuwento niya na parang ginawa kong softball ang ulo niya. Yung mga insulto ko sakanya nadagdagan ng mas masahol na mga salita. Haha masama talaga ang loob niya saakin dahil sa pagbunyag ko ng sikreto niya. I bet she'll be in a lot of trouble after this.
"So ikaw ang nauna Miss Richardson? Look the university has strict rules on this kind of issues. We value equality and fairness here. Pero dahil this is your first day, I'll give a warning. Ikaw din Miss Julien, this is your first time in the office so I'll give you a warning too. Dapat hindi kayo nakikiaway sa kapwa niyo mga estudyante, college na kayo guys so start acting like professionals since few years from now you'll be one na."
Ang haba ng mga sinasabi niya at atat na atat na akong lumabas sa kwartong ito. Napaka pangit ng vibe, nakakahilo ang disenyo. How come natatagalan ng lalaking to ang lugar na to? Inilinot ko ang paningin ko sa buong silid.
"So as punishment since hapon naman na at malapit na ang uwian, tomorrow you have to clean the comfortroom ng boys sa left wing ng building okay?"
"Bakit wala ba kayong janitor dito?" I answered. How poor would this university be kung hidni nila ma afford ang taga linis ng lugar?
Natawa ang si Mr. Estavillo sa sinabi ko. Did I say something wrong?
"Bobo punishment nga diba." Mahina lang pero narinig ko ang pang iinsulto ni Julien saakin.
"Bobo ka din." I smirked back at her.
Gusto ko nang matawa dahil sa mga pinag gagagawa ko dito. I said na this will become my last mission pero I am doing it sloppily. Sobrang napaka unprofessional ng ginagawa ko pero what can I do? I am really enjoying what I am doing here. It's like I am born to be a bully. Naiintindihan ko na ang nararamdaman ng mga school bullies.
Napailing ako dahil kung anu-anong naiisip ko.
"Enough, shake hand in front of me then you'll be free to go. I hope hindi na ito mauulit, understood?"
Tumayo agad si Julien at inilahad ang kamay niya sa harapan ko. Tinitigan ko lang siya at pinag antay ng ilang minuto.
"You'll take this hand shake o didiretyo ang palad ko sa pisngi mo?"
I raised a brow dahil sa sinabi niya saakin. Damn I love this girl, she has the same foul mouth with Ruby. Let me annoy her some more. Ang mga mainitin ng ulong gaya niya ay madaling sumabog kahit sa kaunting tukso mo lang.
I spat on may palm at agad na nakipag kamay sakanya.
"What the f**k?!" Inagaw niya ang kamay niya pero hinigpitan ko lang ang hawak ko.
"Enough! Now get out of my office." Napahilot naman sa sentido ang big version ni Miky, anong pangalan niya ule? Mike Estavillo. Nabasa ko lang sa plaka ng table niya.
"Hindi pa tayo tapos." Padabog na umalis si Julien. I laugh hard dahil sa inasta niya. Hindi pa ako sigurado pero I have a hunch na hindi siya ang hinahanap ko.
"Hey do you own this school?" Imbes na lumabas din ng kwarto ay bumalik ako sa upuang nasa harapan ni Mike.
I call him Mike dahil mukang hindi naman magkakalayo ang edad naming dalawa.
"No, I just work here as a normal employee why di you ask?" Kunot noo niyang tanong saakin.
I like that you are normal. You are cute, charismatic, handsome, and normal.
Gusto kong sabihin sakanya ang mga yan pero pinigilan ko ang sarili ko. This mission is so fun! I think I also found a man that suits my standards.
"Hey Mike, wanna have a date with me?"