Dapat kong ipasalamat na tila walang nakakakita sa akin sa loob ng selda. Walang pumapansin o nakikipag-usap sa akin. Mainam na rin iyon dahil takot na takot ako. Hindi ko kilala ang mga taong makakasama ko sa mga susunod na mga araw, linggo o buwan. Ayaw kong matulad sa babaeng may sugat sa labi na halos, 'di niya makain ang pagkain dahil sa sobrang maga. Kasalukayan kaming nagpipila para sa rasyon ng pagkain dito sa maliit na canteen nila. Dahil hindi puwedeng sabay-sabay ang mga inmates ay pasado alas otso na kami nakakain kaya medyo gutom na ako. Ngayon ko lang din naramdaman ang sobrang gutom at takam sa pagkain simula pa noong nakaraang araw. Tatlong tao na lang nasa pila nang biglang sumingit ang isang babaeng kausap kanina ang isang warden. Medyo matanda siya sa akin ng ilang

