Sinubukan kong padalhan ng mensahe si Marietta ngunit wala akong nakuhang sagot sa kanya. Ang masaklap pa, ilang araw rin ay 'di ko na nakikita ang mga posts niya sa i********: at sa palagay ko ay naka-private na ang account niya. Did she remove from her followers or block me? Hindi ko alam bakit niya ako biglang iniiwasan. Simula nang umalis siya ng bansa ay 'di na siya nakipag-kontak sa akin o nangumusta man lang. Deactivated din ang mga social media accounts niya at itong nakaraan lang siya muling nag-post kasi umiiwas na naman. Medyo nagtatampo ako sa kanya dahil hindi ko alam ang biglaan niyang pag-iiwas sa akin. Hindi ko alam kung nagtatampo ba siya o ayaw na niya akong maging kaibigan pa dahil naririndi na siya sa masalimuot kong kuwento. Sabagay, sino ba naman ang gugustuhin na

