ALFE: Moi, Mahal kong Moi... Miss na miss na kita. Walang gabing hindi ka sumasagi sa isip ko. Walang oras na sa bawat paghinga ko, pinapasalamat ko ito dahil may pag-asa pa akong makita kang muli... Pinahid ko ang nagbabadyang mga luha sa aking mata habang hirap na hirap magsulat sa kaliwa kong kamay. My right hand, which I usually use for writing were still swollen, kaya naman ay nagtitiis akong gamitin ang kaliwa kong kamay, makapagsulat lang... Huwag kang sumuko, Moi dahil hinding-hindi kita susukuan. Once I will get out of here, I will get you there. Itatakas kita ulit at kahit ilang beses tayong mahuli ng lolo mo, hindi pa rin ako susuko. Pasensiya ka na kung hindi kita naprotektahan sa mga oras na iyon. Hindi kita nalabanan sa pananakit ng lolo mo sa iyo. Halos ikamatay ko n

