Halos ayaw na akong pauwin ng mga kaibigan ko para magkuwento tungkol sa pinag-usapan namin ni Alfe. "I need to go home!" giit ko sabay hawi sa kamay nina Marietta at Arcilla. "Ano nga ang sinagot mo?" They were really insisting to tell me something which is, I have nothing to say. Wala naman akong nasagot sa sinabi ni Alfe. Hindi ko maintindihan at tila bangag ako sa mga oras na iyon. Basta na lang sinabi ko na aalis na ako. Masiyado akong natakot at hindi ako nakasagot agad. "Wala nga. Sabi ko... I need to go." "Iyon lang?" "Iyon lang," sagot ko kay Arcilla. Pairap na umiling-iling si Marietta at bagsak ang balikat ng apat sa sinabi ko. "You missed the chance, dear!" ani Janine. Bakit? Hindi ko naman sinabi na ayaw ko sa kanya, ah! Ang sabi ko aalis na ako. Did it count

