"Happy sixth daysary!" Mangha akong napatitig sa pongpong na bulaklak na inabot ni Julius sa akin. Hindi ko lang inaasahan na iba-iba ang ibibigay niya sa akin araw-araw. And this is my first time to experience such thing, celebrating every day of our relationship. "Hay naku, nahabol pa ni Lola ng tsinelas iyan dahil kakausbong pa lang ng mga rosas niya sa hardin, pinitas na," sabi pa ni Joyce kaya mas lalo akong namamangha. I didn't expect that Julz was so sweet like this. Iba siya sa lalaking nakilala ko noon na medyo mahangin at palaging binabandera ang sarili. Ngunit kung makikilala mo na pala siya ay mas kahangahanga siyang side na 'di ko inaasahan. "Ikaw talaga, Joyce ano? Spoiler ka ng moment!" Pabiro pa niyang pinandilatan ng mga mata ang pinsan kaya natatawa itong lumapit sa

