Pilit kong hinuhuli ang mga mata ni Daddy na umiiwas sa akin. The way he moved his eyes, it seemed that he had really had a secret. "Alfe..." "Just tell me the whole truth, Dad. May namamagitan ba sa inyo ni Hera noon? Naging kayo ba ng nanay Hermoine?" Iiling-iling siya pero iba naman ang nakikita kong tensiyon sa kanyang katawan. "Nagkakamali ka ng intindi, anak. Maling-mali." "Then tell me, Daddy! Tell me that I was wrong– that Santiago was so wrong!" Isang mabigat na buntong-hininga ang ibinuga niya at hinarap ako. Ngayon ay nakatitig na siya sa akin hanggang sa bumaba ang tingin niya sa larawang kanina ko pa hawak. He smiled at me and nodded his head. "You really love her, yeah?" "Sobra, Dad. At kahit ano pa man, hindi magbabago ang nararamdaman ko sa kanya. Sabihin mo sa

