PROLOGUE
Encounter
“TRIXIE, APO! IHATID MO NA ITONG MGA MANSANAS!”
Napatigil ako sa pag-iisis ng kaldero nang marinig ko si lola Anastasia. Hay! Oo nga pala, ihahatid ko ang mga mansanas sa bayan.
“OPO LOLA!” Sigaw ko pabalik.
Minadali ko na ang paglilinis ng kaldero upang makaalis na ako ng maaga. Nang matapos na ako, agad akong nagbihis. Siguradong masaya ulit si lola dahil mayroon nanaman kaming maibebentang mansanas.
“Oh, apo” Ibinigay sakin ni lola ang isanng basket ng mga mansanas. Kinuha ko ito at hinawakan ng mabuti. “Mag-iingat ka sa daan ha?”
“Opo lola, magpapabili po ba ulit kayo ng tinapay sa bakery?”
Kita kong lumiwanag ang kaniyang mukha kaya lihim akong napangiti. Sabi na nga ba eh, favorite niya yan eh. May paborito kasi siyang tinapay doon sa isang bakery sa bayan, madalas akong bumibili no’n kapag mapupunta ako sa bayan.
“Ay oo nga pala! Ay siya sige, bumili ka no’n apo at bumili ka na rin ng panghilot sa bayan. Sumasakit nanaman kasi ang likod ko.”
Lumapit ako sakaniya at hinimas-himas ang kaniyang likod. Matanda na ang lola, at hindi ko na talaga mababago iyon.
Ang magagawa ko lang, alagaan siya.
“Mauuna na po ako lah!” Paalam ko rito at humalik na sa kaniyang pisngi.
“Mag-iingat ka apo!” Kaway-kaway niyang sabi.
Nagsimula na akong maglakad dahil baka tanghaliin pa ako. Hindi naman ganoon kalayuan ang bayan sa lugar namin. Malapit-lapit din naman.
Ako si Trixie Calmerantez, wala akong kapatid at humimlay na ang mga magulang ko. Simula noon, si lola Anastasia; ina ni mama, ang nag-alaga sakin.
Dito kami nakatira sa Apple farm. At si lola ang may-ari ng mahigit kalahati ng mga taniman ng mansanas. Ang mga ito kasi binebenta namin sa bayan at ito rin ang pangunahing produkto ng Calleusm.
Ang laki-laki nitong kaharian, kaharian ng Calleusm. Ngunit tila walang buhay ang kaharian. Simula kasi ng mawala ang mga magulang ng hari namin ngayon ay nagbago na ang lahat. Kumbaga sa bulaklak, unti-unting nabubulok.
May sabi-sabi kasi, ang hari raw ay may masamang ugali. Yung tipong makakatinginan mo lang ay nakakamatay na.
Hindi naman ako naniniwala doon. Eh,hindi ko pa naman nakikita si Haring Alexander, paano naman ako maniniwala, diba?
Sa kalaki-lakihan nitong kaharian namin, hindi ko man lang ito nalibot ng husto. Masiyado kasi akong busy sa pagtulong kay lola Anastasia.
“Hay, hayaan na nga…” Sabi ko na lang dahil plinaplano kong ipasyal si lola sa bayan kapag alam kong malakas siya.
Hindi naman nagtagal ay nakarating na ako sa bayan ng Calleusm.
Nagtungo ako sa pamilihan upang ibigay ito sa isang tindahan. Ganito ang ginagawa ko kapag anihan na ng mansanas. Basket-basket lang ang ginagawa namin dahil pinipili ng husto ni lola Anastasia ang mga mansanas. Ang gusto niyang ibigay sa bayan ay ang magaganda at matamis. Ang iba ay ibebenta sa ibang kaharian upang magkaroon ng dagdag kita. Ang nagdedeliver no’n ay iilan sa aming trahabador. At ang matitira ay samin at sa mga trabahador namin.
Oh diba? Hindi ako nag-iisa.
“Wala bang tawad dito?”
“Magkano ito, miss?”
“–Ay, wala na ho, singkwenta talaga iyan.”
Marami pa rin palang bumibili rito. Noong labinanim na taong gulang ako, nandiyan na si Mang Kanor at nagtitinda kasama ang misis niyang si Manang Eli.
“Mang Kanor! Manang Eli! Mansanas po!” Pagtawag ko rito.
Kita ko silang napatingin sakin at napangiti. Kumaway-kaway ako sakanila pagkatapos ay inilapag ko sa isang lamesa ang hawak-hawak kong basket.
“Trixie, hija!” Pagbati sakin ni Mang Kanor.
Nagmano ako sakanilang dalawa. “Trixie! Na-miss kita, nako. Ilang araw ka rin hindi pumunta sa bayan… “ Sinimulan na ako ni Manang Eli.
“Oo nga po eh, hindi ko po maiwan si lola mag-isa sa bahay. Pero baka po bukas…ipapasyal ko po si lola rito sa bayan.”
Tumango naman sakin si Manang. Tiningnan niya ang mga mansanas at hinawakan. “Tingnan mo oh, Kanor. Pulang-pula ang mansanas! Iba talaga ang mga mansanas nila Trixie. Sigurado akong marami tayong maibebenta.”
“Sus, true po manang!” Gatol ko pa.
Gustong-gusto kasi yan ng masa rito samin.
“Ito nga pala Trixie…” Saglit na napahinto si Mang Kanor at bumunot sakaniyang bulsa at binuksan ang wallet niya. “Pitong libo para rito. Kay gaganda talaga ng mansanas, tama si misis magugustuhan ito ng mga tao.”
Napaamang ako dahil hindi naman pitong libo ang halaga no’n. “Mang Kanor, limang libo lang po! Sobra po hehe… “ Sambit ko rito.
Ngunit ngumiti lamang silang mag-asawa sakin. Hinawakan ni Mang Kanor ang kamay ko at ibinigay sakin ang pera. “Tanggapin mo na yan, ‘nak. Deserve mo naman, ipasyal mo ang lola mo rito ha?” Sabi sakin ni Manang.
Napaisip naman ako…siguro..siguro nga deserve ko ‘to? Hindi na ako nagpakipot pa at tinanggap na lang ang pera.
“Maraming salamat po, Mang Kanor at Manang Eli!”
Ngumiti silang dalawa sakin at hinagkan ako at pagkatapos ay bumitiw din.
“Aalis na po ako at may pinapabili pa po si lola sa bakery at pupunta pa po ako ng pharmacy, para po sa gamot ni lola.” Imporma ko sakanila. Kinuha ko na ang basket ko bago sila tingnan. “Maraming salamat po ulit!” Paalam ko.
“Salamat din hija! Mag-iingat ka sa daan!” Paalam din nila.
Tumalikod na ako at lumabas sa tindahan. Inilibot ko ang tingin sa bayan. Kay rami-raming tao at maingay dahil dakdakan nang dakdakan. Madami rin ang mga produkto at pwedeng bilhin ngunit bakery at sa pharmacy lang naman ang sunod kong sadya rito.
Kaya kaagad akong pumunta sa pharmacy at ibinili si lola Anastasia ng gamot niya. Panghilot at mga gamot niya pa sa kalusugan. Stock ko na rin kung sakali.
Sunod kong pinuntahan ang bakery shop na nasa may gitna pa ng bayan. Kagarbo ng bakery shop na ito. Marami itong tindang mga palaman, tinapay at iba pa. May dine in pa sila. Minimalist ang style kaya ang cute tingnan.
“Yung empanada nga po, miss.” Aniya ko sa tindera.
“Ano pa po, ma’am?” Oh diba? Bongga ang mga service rito. Pang mall!
“Isang box nga po ng hopia, at ng special ube roll niyo..” Itatabi ko iyon para panghimagas namin ni lola mamaya.
“Thank you po, ma’am. Sa uulitin!” Sabi sakin nung si ateng nagtitinda. Tumango na lang ako at lumabas na.
“Hay sa wakas!” Sabi ko.
Natapos rin purpose ko rito sa bayan. Naghanap na ako ng masasakyan na tricycle o kung karwahe man lang pabalik don sa pa-barrio naming lugar. Hindi ko na kasi kayang maglakad pa, parang anumang oras matutumba ako.
Akma akong tatawid sana sa daan nang marinig ko ang mga sigaw ng mga kabayo.
“HIYAHHH!”
“HRGMHH”
“HGRMMM!”
“HIYAHHH!”
Nanlaki ang aking mga mata nang masilayan ang patakbo-takbong mga kabayo at hinahabol sila ng mga kahariang-sibil o mga guwardiya ng kaharian na nakadakay rin sa kabayo.
Napagilid ako ng wala sa oras dahil baka ako ay masipa-sipa rito. Malakas pa naman itong mga kabayo.
“AHAY!”
“Ay! ANO BA YAN?!?” Histerikal na sigaw ng iba.
Kaya ang lahat ay gumilid. Nagbigay daan sa mga kahariang-sibil.
Nang sila’y lumagpas, akala ko’y tapos na. Kaya lang nang magsimula ulit akong maglakad patungo sa kabilang daan ay napahinto ako sa gitna nang mapansin ko ang lahat ay napasinghap.
“A-ANG HARI?”
“Totoo ba talaga ito…”
“K-King..”
“Ang hari!”
“His majesty!”
“Magbigay pugay! Nandito ang hari!”
“Magbigay pugay!”
Gulat na gulat ako nang lahat ng tao ay nagsiyukuan sa isang lalaking nakasakay sa kabayong kulay kayumanggi tulad ng mga dumaang kabayo kanina lamang.
Tila natuod ako nang kita kong dumapo ang tingin ng hari sakin dahil ako lang naman ang nanatiling nakatayo at ang malala nasa gitna ako ng daan kung saan nasa harapan ko ang hari at ang kabayo nito.
Jusko…ito ba ang hari? Si h-haring… Alexander?
Jusko, jusko….ang gwapo niya to the ninth power!
“Hoy ikaw! Bakit nakatayo ka pa diyan? Magbigay pugay sa hari!” Sita sakin ng isang guwardiya ngunit hindi pa rin ako gumalaw.
Ang buong atensyon ko ay nasa lalaking nasa harapan ko, ang hari ng Calleusm. Ang matagal ko ng inaasam na makita.
“K-King Alexander…” I whispered in the winds.
Nanatiling malaki ang mata ko dahil sa pagkabigla. Ang mga mata niya… nakatuon sakin. Ramdam ko ang bagsik at aura niya. Dumapo ang tingin ko sa kaniyang pigura… at ang kisig-kisig naman niya. Ang sexy niyang lalaki ha.
May girlfriend na kaya ang kamahalan? Sana…sana wala pa.
Hehe.
“HOY!” Napabalik ako sa ulirat nang sumigaw ulit ang guwardiyang iyon. “Sabing yumuko ka eh!”
Bahagya naman akong natakot dahil ipinakita niya pa sakin ang paghaplos ng kaniyang kamay sa baril na kaniyang dala-dala sa gilid ng tiyan niya. Habang ang hari ay wala pa ring imik at nakatitig lamang sakin.
“Kamahalan, tingnan mo, hindi sumusunod ang isang iyon. Papatumbahin ko na ba?” Sulsol pa ng isang guwardiya.
Doon ako mas lalong natakot sa buhay ko. Ang hirap pala nito. Ang hihigpit ng mga kahariang-sibil na ito ha!
Bawal pa kaya akong mamatay at mawala. Marami pa akong gustong gawin sa buhay, ano! Tapos hindi pa ako nakakabawi nang husto kay lola Anastasia sa pag-aalaga niya sakin. Susme!
“Enough.”
That’s when we all stopped. Para namang huminto ang paghinga ko nang marinig ang boses ni King Alexander. At ang mas lalong nakakagulat ay ang paglapit ng kabayo niya sa gawi ko.
Tuluyan akong nilamon ng takot sa mga sandaling iyon. Baka kung anong gawin sakin ng haring ito, hindi ko pa siya lubusang kilala.
Baka, mategi ako rito ng super early!
“A-Anong?” Sinubukan kong magsalita ngunit sa huli, hindi ko na tinuloy. Nakakahiya…pinagtitinginan na kami rito ng mga tao.
Tuloy-tuloy lang naman ang mahal na hari sa paglapit kaya walanghiya-hiya akong tumalikod at tumakbo palayo.
Gagi men! Bakit ganito? Ang lakas ng t***k ng puso ko. Para akong hinahabol ng mundo.
Rinig ko ang hiyaw ng mga kabayo, malamang sila iyon at hinahabol ako! Jusmiyo!
Nagtago ako sa kakahuyan, buti na lang ay maliksi ako. Kundi ay malamang naabutan nila ako ngayon.
Bakit ba nila ako hinahabol? Papatayin ba nila ako sa kawalang galang ko sa hari? Jusko, jusko…huwag naman sana.
“Wala po rito, kamahalan, baka nakalagpas na po ng bayan!”
Hindi muna ako huminga dahil doon. Talaga ngang hinahabol nila ako.
I sighed nang marinig kong nakakalayo na sila sa pwesto ko.
“Susko… lagot ako nito..” I muttered softly.
Ngayon ko na nga lang makikita ang hari, ganito pa ang nangyari.
Ano bang mayroon… King Alexander?
A/N: Hi!
Snow White with Apple Hair (SWWAH) is just a short story.
This Prologue was supposed to published in 2023 but…here it is. Next year na lang yung ibang chapters.
Hope you like my set of apples!
Axtys, my lovies,
-ms_ysaa