NASA ganoon silang posisyon ng marinig nila ang sunod sunod na katok mula sa pinto ng kaniyang kwarto. Nagkatitigan pa sila bago siya dinaganan ni Brandon at niyakap ng mahigpit.Sumubsob pa ito sa leeg niya na talaga namang nagbigay sa kaniya ng ibayong kiliti at kilig. Mabibigat ang buntong hiningang pinakawalan nito. Halatang may pinahuhupang apoy sa kalooban. Gaya niya pero wala siyang magagawa. Mga istorbo talaga ang mga bruhang ito kahit na kaylan. Sinuklay niya ang malago nitong buhok at marahang tinapik sa pisngi. "hey...get up,baka makita tayo."bulong niya dito. Ngunit lalo lamang itong sumubsob sa leeg niya at ganon na lang gulat ng dalaga ng bigla nito iyong kinagat at sinipsip ng marahan. Nanigas siya sa ilalim nito at ibayong sensasyon ang kaniyang naramdaman. "hellerr'?

