TAHIMIK lang ang loob ng sasakyan na pinag lulunaran ni Antoneth kasama ang binatang si Brandon-kung binata pa nga ba ito, na paisip tuloy siya.
Nilingon niya ito sa driver's side at nakitang tuktok na tutok ito sa kanilang dinadaanan,nakaka kalahating oras na ata sila sa byahe mula ng lumisan ng hacienda.
Pero ni isang salita ay wala pa silang napag usapan,tuloy ay bagot na bagot ang dalaga. Hindi siya mapakali sa pagkakaupo at panay ang ismid matapos sumulyap dito na ayaw ata siyang tapunan man lang ng kahit kunting tingin.
'suplado,hmp!' irap niya dito
"can you please stop that.?" napa igtad pa siya sa bigla nitong pag sasalita ng hindi naman tumitingin. nilingon niya ito at tinaasan ng kilay.
"stop what.?!" aniya
"sit properly at wag kang paikot ikot dyan na parang nangangati yang-" anito sabay baleng sakaniya at nginuso ang kanyang pang upo,namula siya.
"you're so bastos.!" kinurot niya ito sa braso at tinapunan ng pamatay niyang irap.
Napangisi naman ito.
"nana nan-tsing ka lang eh.. " anito sabay sulyap muli sa kaniya.
"you're so makapal,huh.?kadiri ka-" pinag kukurot niya itong lalo sa braso at pati tagiliran nito ay inis niya ring pinag kukurot doon.
Napa kiwal naman ito at umalpas ang mululutong na tawa sa bibig na kaysarap ata sa pan dinig..
"s-stop t-hat i'm dri-ving.!" utal utal na saway nito habang pulang pula ang mukha,napangisi siya...
"sa lagay eh..my kiliti rin pala ang bakulaw?" pang aasar niya dito matapos itigil ang pagkurot. isinandal niya pa ang likod sa my bintana ng sasakyan at pinaka titigan ito na muling sumeryoso sa pagmamaneho.
Nginisihan siya nito mtapos sulyapan ng bahagya.
"i'm not bakulaw,ikaw tong dwarf.."
Balik pang aasar pa nito sakanya,napa ismid siya.
"hello.? 5/4 ang height ko,kaya hindi ako dwarf,noh? bakulaw ka lang talaga kaya nagmukha akong maliit sayo.."
katwiran niya dito. palibhasa malaki ito at matangkad na sa tantsa niya ay nasa 6 feet.
"what's you're height ba?"
aniya sabay patong ng siko sa unahan ng sasakyan at ipi nang suporta sa ulo ang kamay bago ito pinaka titigan.
"ano to..getting to know each other?"
nakaka loko itong ngumisi sabay taas baba ng dalawang kilay sakaniya.
Nagkibit balikat siya at muli itong tinitigan,nilaro laro niya ang balahibo nito sa braso na kanina pa nang aakit na haplusin.bahagya pa iyong nag pi-flex kapag nag mamani obra.
"stop that,young women.." anito na tutok lang sa daan ang tingin.
Nakita niya ang pag tagis ng bagang nito at bahagyang paninigas,na hindi niya mawari kung bakit..
"ano ngang height mo.?"
kulit niya at hindi ito pinakinggan.
"6/3 .." anito
" uhmm... 6/3, are you single?"
muli niyang usisa,wala naman itong singsing kaya sigurado siyang hindi pa ito kasal.
Nilingon siya nito ng bahagya bago sumagot.
"no'pe..I have a fiance." halos bulong na turan nito. dahil sa narinig ay inis na hinila niya ang balahibo nito sa braso na kanina niya pa nilalaro laro.
Napa simangot din siya,nagpupuyos ang damdamin niya sa kaalamang my fiance na pala ito. sandali-ano bang pake niya?
"what was that for?" kunot noong asik nito sakaniya,nasaktan ata sa pagsabunot niya sa balbon nito.
"nag kaka fiance pala ang bakulaw'?unbelievable.." inismiran niya ito at inayos ang pagkaka upo bago tumanaw sa labas ng bintana,pinag krus niya ang dalawang braso sa tapat ng dibdib at inis na ipinikit ang mga mata.
"wala ka ng itatanong?" nakakaloko ang ngisi nito na sinulyapan siya,hindi niya ito pinansin.
"i'm not interested na,nakaka walang gana.." pabulong niyang sagot sapat upang marinig ng binatang my naglalarong kaka ibang ngiti sa labi.
Napa iling iling ito bago muling tinutok sa kalsada ang paningin...
NAGISING si Antoneth sa nkaka binging katahimikan ng paligid,unti unti siyang nag mulat ng mga mata kasabay ng bahagyang pag galaw bago nilibot ang paningin.
Nasa loob siya ng sasakyan,nakatulog pala siya ng dahil sa inis kanina-teka! aniya sabay lingon sa driver's side,nagulat pa siya ng makita roon ang binata na mukhang nakatulog na rin.
Sumilip siya sa labas at napansing nasa lilim ng malaking puno ang sasakyan nito na pinilit nitong gamitin imbes na ang sasakyan niya.
Nakita niya rin ang malawak na taninam ng ibat ibang gulay.
'refreshing...' isip niya at akmang bababa ng matigilan siya,muli niyang nilingon ang binata pag kuway pilyang napa ngiti.
Dahan dahan siyang lumapit dito matapos tanggalin ang sariling seatbelt. Pinaka titigan niya ang mukha ng binata at ng hindi makontento ay bahagya pa itong inamoy amoy sa my kili kili.
ewan ba niya pero curious siyang malaman kung ano ang amoy niyon.
'hmmm...infairness-smells so good,huh.?' napapa ngiting aniya sa sarili.
Akmang aamoyin niya pa sana iyun ng bigla na lang itong mag salita.
"pasado ba.?" namamaos ang boses na anito dahilan para mapatuwid siya ng upo,ngunit ng tignan niya ito ay nakita niyang tulad kanina ay naka pikit parin ang binata.
Kunot noong dumukwang siya para makita kung gising ba ito o namamaligno lang siya. bahagya pa siyang nakatuwad para lang makita ang mukha nito ng malapit,sinilip niya ang mata nito sa malapitan at inihipan ng kaunti para masiguro niya kung tulog nga ba ito.
Nasa ganon siyang posisyon ng bigla itong dumilat,na estatwa siya.
"what do you think you're doing,hmm.,?"
malambing na tanong nito sa paos na tinig,nagtitigan sila.Hindi siya maka sagot at para siyang nahihipnotismo sa paraan ng titig nito ngayon.
"you want a kiss,hmm.?" ani pa nito sabay pilyong ngumiti bago ngumuso at pumikit,animoy nagaantay nga ng halik.
Bigla siyang nabalik sa huwisyo dahil doon kasabay ng pamumula ng kaniyang pisngi,pinitik niya ang ilong nito bago tarantang inilayo ang sarili sa binata.
"maniac ka tlgang bakulaw ka kahit kaylan.!" kunway aniya pero ang totoo ay kinilig siya.may tama na ata siya sa utak.
"tss..ako pa ngayon ang maniac,huh.?" turan naman nito habang hinihimas ang sariling ilong,namula iyon ng konti. "bumaba kana nga at baka ano pang gawin mo sakin.." dagdag pang aasar pa nito.
Napa irap siya sabay hampas dito ng kaniyang sling bag.
"kapal tlga,as-if naman gwapo ka para pag interesan ko noh-"
"bakit,hindi pa ba sa lagay na yan?"
sabat nito sakaniya na sinamahan pa ng mapang uyam na ngiti.
"you--!!! aghr!! dyan kana nga."
umuusok ang ilong na padaskol niyang binuksan ang pinto ng sasakyan sabay baba at dire diretsong naglakad kahit hindi niya alam ang pupuntahan.
"hindi diyan ang daan!" rinig niyang sigaw nito kaya bigla siyang napa hinto.
nilingon niya ito na nakababa na rin pala bitbit ang mga bag nilang nag lalaman ng pang ilang araw na damit.
"paakyat yan ng bundok.." anito bago siya tinalikuran at ngpa una ng baybayin ang makidit na daan kasalungat ng kaniyang dinaanan kanina.
Bigla siyang napasunod dito sa takot na baka maligaw siya,first time niyang makarating dito sa farm na nasa dulo na ata ng bulacan dahil mukha itong liblib na kagubatan...