KAY SARAP ng gising ni Antoneth kinabukasan,marahan siyang nag mulat ng mata na may matamis na ngiti sa labi. kay ganda ng panaginip niya,magkatabi daw sila ni Brandon sa malambot na kama at-at...
Nanlaki ang mata niya ng pag mulat niya ay ang malapad na dibdib ng binata ang kaniyang nabungaran.
Kay sarap pa ng tulog nito na banayad na naka pikit.
Nakapa niya ang matigas nitong tiyan kaya naman nadako doon ang tingin niya. Lalong nanlaki ang kaniyang mga mata ng makitang naka paloob pala sa t-shirt nito ang kanyang kanang palad.
Nanigas siya at di malaman ang gagawin.
Muli niyang sinilip ang mukha nito.
Tulog pa rin ito kaya naman dahan dahan niyang pina dausdos ang palad upang alisin doon.
Kinapa niya muna ng bahagya ang mtigas nitong tiyan,gusto niyang malaman kung ilan ang pandesal nito pero baka magising ito at ano pa ang isipin pag nakitang kinakapa niya ang katawan nito.
Napa kagat labi siya ng mapansing may bumubukol sa harapan nito sa gitna ng mga hita nito.
Wala sa loob na napa tingala siya sa mukha ng binata.
Kamuntik na siyang mapatalon sa higaan ng makitang nakadilat ito ng bahagya at naka tingin sa kamay niyang nasa loob pa rin ng damit nito .
Unti unti itong ngumisi at walang ano ano'y hinawakan ang kamay niyang nasa tiyan nito at inilipat iyon sa bukol nito sa gitnang hita.
Nanigas ang dalaga at hindi makapaniwalang sinundan ng tingin ang kamay niya.
"satisfy.?" namamaos ang boses na anito pagkuway pilyong ngumiti.
Bigla niya namang nabawi ang kamay at pulang pula ang mukhang pinag hahampas ito ng unan.
Pinagsasalag naman ito ng binatang marahang tumatawa.
"pervert.!!! bastos.!! maniac.!!" pulang pula ang mukhang aniya dito. itinigil niya ang pag hampas dito ng unan at saka ito sinipa sipa hanggang sa lumagabog ito sa sahig.
Napa daing ito at hindi agad naka bangon,kaya naman dumukwang siya para silipin ito.
Nakita niya itong hindi maipinta ang mukha habang naka pikit at hinihimas ang bandang pwetan,nakapikit pa ito ng mariin.
Nakaramdam siya bigla ng pag aalala para dito. Npasobra ata ang pag sipa niya.
"a-are you alright.?" alinlangang tanong niya.
Bigla naman itong nag mulat at saka siya hinawakan sa braso pag kuway marahang hinila.
"n-no.!!!"nagulat siya sa ginawa nito kaya hindi siya agad naka galaw, tuloy ay laglag siya sa ibabaw nito.
Tatayo sana siya ng ipulupot nito ang dalawang braso sa baywang niya.
Muli siyang napa subsob sa dibdib nito kaya naman itinukod niya ang dalawang kamay sa sahig sa magkabila nitong gilid at saka siya nag angat ng tingin sa mukha nito.
Nagtama ang kanilang mga mata.
Nagtitigan sila at nakaramdam siya ng kakaibang kilabot. Ang kulay dark gray nitong mga mata ay ngayon niya lang natitigan ng ganito kalapit,sobrang mapang akit na animoy hinihigop ang kaniyang buong kaluluwa.
Nalunok niya ang dila at hindi magawang huminga,basta lang siya naka titig sa mga mata nito at ganon din ito sakaniya.
Hangang sa unti-unting lumapit ang mukha nito sa mukha niya. Nataranta siya at hindi alam kung anong gagawin.
Napag pasyahan niyang pumikit na lang ng mariin.
Ngunit ilang sigundo na siyang ganoon ay wala naman siyang naramdamang iba.
Nagmulat siya ng mata at tumambad sa mukha niya ang binatang nakaka loko ang ngiti sa mga labi. Bahagya pang may kinang sa mata nito na hindi niya alam kung para saan at ang pilyo nitong ngiti ay nauwe sa isang malutong na halakhak.
Lumuwag ang pagkaka pulupot ng braso nito sa kaniyang bewang at ang ulo nitong naka angat sa sahig kanina ay muling lumapat doon. Sige parin ito sa kaka tawa.
Para siyang nangamatis sa sobrang hiyang nararamdaman. Never in her life na napa hiya sya ng ganito katindi at sa isang hamak na bodygourd niya pa?
Its bullshits.!
Marahas siyang umupo sa ibabaw ng tiyan nito habang ang dalawang binti ay nasa magkabila nitong gilid.
Pinag babayo niya ng suntok ang matipuno nitong dibdib.
Lalo lamang itong tumawa na ikina inis ng dalaga.
"you jerk.!!" gigil niya itong pinagsusuntok kaya naman sumasalag na ito.Tumatawa pa rin.
"s-stop it'!'stop.!" pulang pula ang mukha nito dahil sa tawa at pagpipigil ng halakhak.
Hindi niya ito pinakinggan at pinagsusuntok parin ang dibdib nito.
"stop it.! a-aray.! ouch'!" tatawa tawa nitong angal.
Hinawakan siya nito sa magkabilang pala pulsuhan at iniangat sa ere ang mga iyon.
Pilit niya iyong binabawi ngunit mas malakas ito sakaniya.
Naubusan siya ng pwersa at hinayaan na lamang ang brasong hawak nito.
Muli silang nagsukatan ng tingin. May halong asar ang titig niya samantalang ang binata naman ay tila siyang siya pa.
Nanatili siya sa ibabaw nito dahil hindi siya nito binibitawan.
"let me go-ano ba.?!"
"stop punching'me,bibitawan kita." nangingiti pa rin ito.
Inirapan niya ito at hindi sumagot,tumingin siya sa dereksyon ng bintana,sarado iyon pati kurtina pero maaaninag mo ang liwanag na nag mumula sa labas tanda na umaga na ngunit walang araw.
Umuulan pa rin pero hindi na katulad kagabi na sobrang lakas may panaka nakang hangin na tumatagos sa siwang na dahilan ng pag sayaw sayaw ng kurtina doon.
"okay...di ganito tayo hangang mamaya."
Narinig niyang an ng binata,nilingon niya ito at tinaasan ng kilay.
Nagkibit balikat lang ito at ibanaba ang kamay niya sa ibabaw ng sarili nitong sikmura.
Sinubukan niya iyong hilahin ngunit maagap ito.
"ano-ba'?let go of my hand.!"
"don't punch me'then.?" pangungulit nito.
Bumuntong hininga siya at sinamaan ito ng tingin.
"okay'fine.! but you first-"
"what about me'?" maang maangang sabat nito sa kaniya.
"stop laughing.!!! you're so frustrating."
pinandilatan niya pa ang binata na nginisihan lang nito.
"ano bang ikina gagalit mo'?" anito habang pini pigilan ang mapa ngiti.
Muli niya itong inirapan.
"you want me to gave you a kiss,hmm.?"
Dagdag pang aasar nito. Marahas siyang napa lingon dito.
"you f*****g'ashole'!" asik niya at saka mabilis na dumapa at pinantayan ang mukha ng binata na ikina laki ng mata nito.
Nginisihan niya ito at walang sabi sabing hinalikan ang mamula mula nitong labi.
Nanigas si Brandon sa pagkaka higa at napatulala sa ginawa niya.
Napa ngiti ng palihim ang dalaga.
Bigla niyang kinagat ang pang ibabang labi nito at sinigurong masasaktan ito.
Lalong nanigas ang katawan ng binata at nabitawan ang dalawa niyang pala pulsuhan,pagkaka taon niya iyon para sana tumayo at tumakas pero maagap si Brandon.
Hinawakan siya nito sa batok at lalong idiniin ang mukha niya sa mukha nito.
Napa awang tuloy ang bibig niya at siya naman itong natuod na parang kahoy.
Mariin siyang hinalikan ng binata at lalong inilingkis ang dalawang braso sa kanyang likod at batok.
Bigla siyang parang sinilaban ng maramdamang gumalaw ang labi nito.
Nag init ang katawan niya sa hindi malamang dahilan.
Hindi ito ang una niyang halik dahil dalawang beses na siyang nagka-boyfriend.fling fling lang at agad din niyang ibine-break ng walang kadahi dahilan.Basta na lang kasi siya nagsasawa.
Pero bukod sa halik ay wala na silang iba pang ginawa ng mga ex boyfriend niya.
At ang halik na ito ngayon ni Brandon ay talagang iba ang dating sakaniya.
Makapan-lambot tuhod at nakaka pangatog ng laman.
Banayad lang pero may halong diin at parusa. Dahil siguro sa ginawa niya kaninang pagkagat sa labi nito.
Gumaganti ito...