BUSOG na busog ang dalaga ng matapos ang maingay at masayang kainan na iyon sa kusina. Halos hindi niya pansinin ang paligid dahil naka focus lang siya sa masasarap na pagkaing nasa hapag. Nalaman niyang si Maximo pala ang may idea ng lahat ng Italian foods na dala ng mga ito. Pareho sila ng paborita nito na ikinatuwa niya ng sobra. Kaya naman panay ang kwentuhan nilang dalawa na agad niyang nakagaanan ng loob. Ito kasi ang pinaka kapareho niya ng mga gusto at pag uugali. Sa madaling salita ay spoiled brat din ito. Mababait naman ang lahat kaya wala siyang naging problema. Maliban kay Brandon na panay irap sa kanila ni Maximo sa tuwing magbubulungan sila. Talagang tumabi pa sa kaniya si Maximo. Matapos kasing tumayo ni Vladimir kanina para kumuha ng kutsilyo pang hiwa sa kalamansi a

