THE FAILED MISSION EPISODE 83 PAUWI NA kami ngayon sa Pilipinas at kasama ko rin ngayon sa pag-uwi si Ate Ludovica. Everything went smooth at hindi na rin siya makukulong dahil pinatawad na siya ng Coleman Security Agency. Nagkapatawaran na rin si Ate Ludovica at ang asawa ni Kuya Alonzo na si Alessandra. Okay na rin kami ni Kuya Alonzo… hindi na ako galit sa kanya. Maayos na rin ang gusot sa pagitan ng mga Brioschi at ng mga Coleman. Pero hindi ko pa rin talaga mapigilan na makaramdam ng kaba… lalo na’t ma me-meet ko na rin sa pag-uwi sa Pinas ang mga magulang ni Alessandro. “Gusto ko nang makita ang pamangkin ko, Belle….” Napatingin ako kay Ate Ludovica nang sabihin niya iyon sa akin. Na kwento ko na rin sa kanya ang tungkol sa anak namin ni Alessandro at nandoon na siya ngayon sa

