THE FAILED MISSION EPISODE 73 “I LOVE YOU… I love you so much, Alisa.” Hindi ko mapigilan na mapangiti nang muli ‘yung sabihin ni Alessandro sa anak namin. Kanina lang kami nag-iiyakan at ngayon ay maayos na kami, hindi na kami nag-iiyakan at nasa loob na rin kami ng hotel room ni Alessandro. Nandito kami sa may living room at ayaw umalis ni Alisa sa kandungan ng kanyang Papa. Kanina pa siya nakakapit kay Alessandro at ayaw niyang umalis ito kaya ako na ang kumuha ng mga hinanda ni Alessandro na mga pagkain sa may kusina at dinala ko rito sa may sala. “I love you too, Papa! Are you staying here for good?” tanong ni Alisa. Natigilan ako sa naging tanong niya sa kanyang Papa. Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Alessandro. Alam ko na pansamantala lang dito si Alessandro lalo na’t na

