THE FAILED MISSION EPISODE 79 “AYA, are you really sure about this? I can’t risk your safety in this mission,” alalang sabi sa akin ni Alessandro. Napatingin naman ako sa kanya at tinaasan ko siya ng aking kilay. “I was the one planning this mission, Alessandro. I won’t fail this mission. I will be the one to kill Peter with my own hands,” seryoso kong sabi sa kanya. Bumuntong-hininga naman siya at tumango. Papunta na kami ngayon sa unit ni Peter Justimbaste—that bastard! Tapos na kaming pasabugin ang mga natitirang planta na pagmamay-ari niya… ang natitira niyang kayamanan. Ngayon ay wala na siyang pera. Wala na ring tumutulong sa kanya ngayon. He’s all alone. Wala na siyang laban. Kaya ngayon, co-corner-in namin si Peter. At gusto ko na ako ang papasok sa kanyang hotel room. R

