THE FAILED MISSION EPISODE 85 “BELLE?” Natigil ako sa aking ginagawang pagbabasa sa hawak kong libro rito sa labas ng mansion ng marinig ko ang boses ng aking kapatid na si Kuya Alonzo. Nang mapatingin ako sa kanya ay agad ko siyang nakita na papalapit sa akin. Ibinaba ko muna ang hawak kong libro at pinaupo ko siya sa aking tabi. Tinignan ko lang si Kuya Alonzo… hindi ako nagsalita. Pinatawad ko na si Kuya Alonzo, at okay na rin kaming dalawa. Pero hindi na ulit kami nakapag usap na kami lang dalawa ni Kuya Alonzo simula nang makauwi kami rito sa Pilipinas. “Do you have some free time for me, Belle?” mahina niyang sabi habang nakatingin siya sa akin. Huminga ako ng malalim at inayos ko ang aking pag-upo at humarap ako sa kanya. “Sure, Kuya Alonzo… I will give you my time now. M

