# Alipin days Madaling araw pa lang ay gising na ang binata upang simulan ang mga gawain, kahapon kasi ng humingi siya ng sign sa itaas, biglang tumawag ang kanyang kaibigan na si Real. And din he asked, naalala kasi nito na sinuyo ang nobya at isang linggo lang ay nagbati na ang mga ito. Hindi man siya siguro pero wala namang mawawala kung susubukan niya ang suhestiyon ng kaibigan at ang binigay na suhesyon nito ay magiging alipin. Taga-laba, taga-luto, taga-hugas, taga-igib kung ubos na ang tubig, taga-palengke at sariling pera ang gagamitin. Kahit anong gawin ay gagawin niya, magalit man ang dalaga ay hindi niya dapat ito papansinin at sasagutin. Lalayo sa mga babae at iwasan ang pagiging seloso. Pagbukas niya ng ref ay halos napamura nalang ang binata ng walang kahit anong lulu

