"Fiona, hindi ko na nagugustuhan ang ginagawa mo," mariing sabi ni Yago rito. "I am still your father and I am the only one to decide who will stay in this house. Do you understand?!" Marahan lamang itong tumango pero alam niyang hindi iyon bukal sa loob nito. "Apologize to Ana," pagkuwan ay sabi pa nito dahilan para manlaki ang mga mata nito. "What?!" Why should—" "Right now!" Medyo lumakas ang boses ni Yago kaya wala itong nagawa kung hindi humarap sa kan'ya. "I am sorry," mahinang sabi nito na kulang na lamang ay hindi ito marinig. "Go to your room." "But dad—" "We don't need you here. Hayaan mo na kaming matatanda ang magresolba nito," seryoso pa rin na sabi ng daddy nito kaya wala na itong nagawa at umalis na. Nang makaalis ito ay isa-isa silang tinitigan ni Yago. "Now, wa

