Halos manlambot siya at mabilis na napahawak sa may dibdib niya. Muntik pa siyang matumba, mabuti na lamang at mabilis siyang nasalo ni Ryan. "Ana, are you okay?" alalang tanong nito sa kan'ya. Nang hindi siya makapagsalita ay mabilis siya nitong inalalayan sa isang sofang naroroon. Nang makaupo siya ay hindi niya maiwasang mapalingon muli sa painting na iyon, hindi siya pwedeng magkamali. Iyon ang kumbenta na tinirhan niya, at ang batang babaeng nakatalikod ay siya dahil sa damit na suot nito. "I-Iyong painting na iyan, s-saan nanggaling iyan?" kinakabahan at nanginginig ang mga labi na tanong niya rito. "Ito ba?" Sabay turo nito sa may painting. Mabilis naman siyang tumango. "My late wife draw that, and natatandaan ko, ang sinabi niya sa akin ay iyan daw ang huling ala-ala niya

