"Oo na, sige na. Hindi naman ako galit sa iyo, at hindi naman ako nagdududa. May tiwala ako sa iyo, doon lang naman ako sa Dianang iyon walang tiwala e," nakangusong sabi niya rito. "No. Huwag kang mag-isip ng gan'yan. Thank you for trusting me, and I am trusting you too as well. Alam kong hindi mo sisirain ang tiwalang ibinigay ko sa iyo. Bahagya lamang siyang tumango at ngumiti. Kinagabihan ay hindi siya makatulog sa pag-iisip kung ano ang gagawin niya para bukas. Kung pupunta na siya o hindi sa birthday ng daddy ni Ashley. Sinabi na nito sa kan'ya ang oras at kung saan ito gagawin pero nagdadawalang isip pa rin siya. Alam niyang magagalit si Yago at hindi nito magugustuhan kung makikipagkita siya sa mag-ama. Pero hindi rin niya kayang makita at marinig ang malungkot na boses ni Ashle

