Alas siyete ng umaga nang magising siya at tulog na tulog pa ang mag-aama. Mukhang napagod sa kaka-swimming kaya naisipan niya munang lumabas at maglakad-lakad para makita naman niya itong hotel. Ngayon lang kasi siya nakapasok sa ganito kagandang lugar. Halos lahat nang madaaan niya ay naggagandahan at naggwagwapuhan. Halatang mayayaman dahil na rin sa mga suot ng mga itong alahas. Akmang babalik na siya nang mapagtanto niyang naliligaw na pala siya. Bakit ganoon? Bakit pare-parehas kasi ang itsura ng mga kwarto rito? Hindi rin niya nakita kung ano ang numero ng kwarto nila kaya nag-umpisa na siyang kabahan. Dahil sa kakatingin ay hindi niya namamalayang may isang lalaking kanina pa nakamasid sa kan'ya. "Are you lost?" Bigla naman siyang napatingin dito. "Ha? No, I am not lost.

