HALOS takbuhin ni Catalina ang papasok ng building pagkababang-pagkababa niya ng taksi. Tinanghali siya ng gising at mag-a-alas-onse na siya nakarating ngayon doon. Paano ba naman siya hindi tatanghaliin, ano'ng oras na siyang nakatulog kagabi? Hindi mawala-wala sa isip niya ang nangyari. Ni hindi niya nga alam kung paano haharap ngayon kay Brix. Nahihiya siya. But no. Hindi niya dapat makitang apektado ako. He needs to see that everything was nothing to me, sabi niya sa isip. Dahil kung hindi, malamang tataas na naman ang tingin nito sa sarili. Habang nakasakay sa elevator ay inayos at ipinustura niya ang sarili. Hindi siya nito maaaring makitaan ng takot. Malamang sasamantalahin nito iyon. Ngunit habang palapit na siya sa floor kung saan nag-oopisina si Brix, hindi niya naman mainti

