CHAPTER 01 - MIM

1428 Words
Devyn "Dev!" napalingon ako ng tawagin ako ni Elena ang kaibigan kong loka-loka nandito na naman. "Naku, maraming papa do'n oh!" turo nito sa mga construction workers. "Ha? Bakit maraming papa doon? Hinahanap ba nila ang mga anak nila kawawa naman." malungkot na sabi ko. "Gaga! Hindi iyon, mga gwapo 'yung sinasabi ko gano'n kasi ang tawag ni baklang Kevin sa mga gwapo PAPA Haha!" paliwanag ni Elena "Ang gulo naman, hindi ko maintindihan." "Ikaw ang magulo Dev, kung saan-saan kaya napupunta 'yang isip mo hindi na nga kita ma-reach." tumatawang sabi ni Elena hindi ko na lamang ito pinansin inaayos ko ang mga gulay na paninda ko. "Hello! Mga suki! Bili na kayo ng gulay ko fresh na fresh." sigaw ko. "hi dev pabili ako ng petchay mo" sabi ni carlo isa rin sa suki ko "hoy napaka bastos mo haa!!" biglang sabi ni elena kay carlo napakunot nuo ako "anong bastos duon bumibili ako dito" tumatawang sabi ni carlo "hah!! kala mo hindi ko alam yung sinabi mo ah bastos ka" sigaw ulit ni elena "teka lang elena hindi naman siya bastos. bumibili lang naman siya ng petchay ko anong bastos duon?" takang sabi ko "nakuuu palibasa napaka inosente mo tignan mo oh tumatawa pa itong bugok nato" galit na sabi ni elena hindi ko na lamang ito pinansin "heto ang petchay salamat" abot ko dito "salamat din bibili ulit ako ng petchay mo sa susunod" ngiting sabi ni carlo sabay tingin sa palda ko at umalis na "tignan mo napaka bastos talaga kahit kailan tinignan kapa sa palda manyakis talaga" galit parin na sabi ni elene. "malay mo naman gusto din niya mag palda baka naiinggit sa palda ko pero hindi naman na maganda ito luma na nga eh" "hayy naku dev diko na alam gagawin ko saiyo. siya nga pala magpapasukan na sabay na tayong mag enroll para classmate ulit tayo" "hindi ko pa alam kung makakapag enroll ako tatanong kopa si nanay" "bakit naman libre lang naman ang pagaaral natin nakatapos ka nga ng third year eh" sabi ni elena "alam mo namang may sakit si tonio kaya kailangan kong magtinda hanggang sa gumaling ito." "bakit hindi ka humanap muna ng trabaho pansamantala lang para makaipon ka at mapagamot mo si tonio" "naku wala nga akong mahanapan. meron man maliit lang ang sasahudin parehas lang sa kinikita ko sa gulayan" "si aling tessa na aalala mo?" tanong ni elena "ah yong palagi natin kinukuhanan ng mangga sa bakuran nila dati" sabi ko "hahaha oo iyon nga nandito siya ngayon. diba sa maynila siya nagtatrabaho nung nakaraan naka salubong ko siya tinatanong ako kung gusto ko daw magtrabaho sa maynila iyon nga lang katulong duon din sa amo ni aling tessa napakayaman daw nun malaki magpasahod, eh iyon nga lang inayawan ko kasi hindi din ako papayagan ni itay" "kaya sabi nito kung may kilala daw ako na gusto magtrabaho sa maynila pumunta lang daw kay aling tessa tatlong araw na lang siya dito satin" "naisip din kita kaso mukang hindi ka din papayag na sa maynila magtrabaho lalo na't may sakit si tonio" mahabang sabi ni elena "ah ganun sayang lang kasi sa maynila pa kung dito lang saatin papayag ako" at nagsimula na ako magtinda hanggang tanghali. kahit papano naman ay kumita ako ngayon dahil ilan lang kaming nagtitinda ng gulay dahil ung iba ay nasalanta ang mga pananim nilang gulay sa nakaraang bagyo. Nang makauwi ako sa bahay ay naabutan ko si tonio na hinihika ng ubo "ayos ka lang ba tonio" natatarantang tanong ko "ayos lang ako ate dev naglaro po kasi kami ni ayen sa labas napagod lang po siguro ako" "iyan na nga ang sinasabi ko huwag ka naman magpakapagod dahil hindi pa natin alam ang iyong sakit pwede ka maglaro pero yong hindi ka mapapagod nagkakaintindihan ba tayo" tanong ko dito "Opo ate dev sorry po." "Ayos lang yon asan pala si nanay?" "Kumuha po ng mga halamang gamot para po saakin." Totong hindi pa namin alam ang sakit ni tonio nag simula ito tatlong buwan na ang nakakalipas palagi na lang itong hinihika ng ubo at matigas ang plema hindi naman namin ito madala sa ospital dahil sa kabilang bayan pa iyon at mamasahe pa kami sa pamasahe pa lang ay ubos na ang pera namin kaya ang ginagawa na lamang ni nanay ay pinapainom ito ng oregano. ___________ Devyn Kinaumagahan ay ako na ang nagluto ng almusal dahil maaga naman akong nagising. "Magandang umaga po inay itay nakapagluto na po ako ng agahan natin" "magandang umaga tawagin mo na si tonio duon at nang makakain na tayo" sabi ni inay nang papunta pa lamang ako sa kwarto ay rinig ko ang sunod sunod na ubo nito kaya minadaling pumunta ako dito ngunit ganun na lang ang aking gulat ng makitang sumusuka na ito ng dugo "toniooo" sigaw ko "inay itay si tonio po" naiyak na ako dahil sa nangyayari sa kapatid ko kalunos lunos itong tignan dahil napaka payat nito at maraming dugo ang damit sinugod na nga namim si tonio buti na lang talaga kahit papano ay may ipon ako ito ang gagamitin namin pamasahe papuntang ospital. nang makarating na kami sa ospital ay inasikaso agad si tonio naghintay kami ng ilang minuto at nalaman nga namin na meron itong tuberculosis at malala pa ito dahil nagtagal ito ng tatlong buwan at mahaba-habang gamutan ito. ipinaliwanag narin ng doctor kung bakit ito nagkasakit ng tb. pati rin kami ay nagpa chineck dahil may posibilidad na mahawa kami at salamat naman sa panginoon na hindi naman kami nahawa. at ngayon malaki ang problema namin ang pangbayad ng ospital dahil macoconfine pa dito si tonio masyadong malala ang sakit niya kaya ilang buwan pa siyang kailangan manatili dito sa ospital. lumingon ako kila inay at itay makikita sa mukha nila ang problema. pero kahit papano ay nagpapasalamat padin kami dahil nailigtas si tonio dahil ang sabi ng doctor kanina kung tumagal pa ito ng tatlong linggo pwedeng mamatay si tonio "inay itay bibili lang po ako ng pagkain" paalam ko "may pera kapa ba diyan anak?" tanong ni itay "opo may natitira pa naman pong pera para pang kain natin" "salamat anak" umiiyak na sabi ni itay alam kong hirap na hirap na sila.... lumipas ang ilang araw ay patuloy ang paggamot kay tonio ngayon naman halos maiyak na ako sa kalagayan namin dito. wala na kaming pambili ng makakain mabuti na lamang ay nagbaon si inay ng tinapay. nang tumunog ang cellphone ko na de keypad tumatawag pala si elena. "hello elena" umiiyak na sabi ko dito "dev ok lang ba kayo diyan si tonio kamusta na ayos na ba siya" "medyo ok na pero kailangan ko ng pera ngayon para pambili ng mga gamot ni tonio pero anong gagawin ko wala na kaming kapera pera dito hindi na nga kami makabili ng pagkain elena baka pwede naman maka utang sa mga magulang mo kahit magkano lang basta makabili lang kami ng gamot ni tonio" umiiyak na sabi ko "wala din kaming pera ngayon alam mo naman yan dev nasalanta din ang aming mga tanim na gulay kaya hindi kami nakapag tinda kaya pasenaya na talaga dev." "dev bakit hindi mo subukan na mamasukan ng katulong sa sinasabi ni aling tessa duon makakaipon ka" sabi ni elene tama malaki ang sahod makakaipon ako at makapag padala kila inay. eto na lang pwede kong gawin kung hindi ako kikilos nganga kami dito. at nagpaalam na kami ni elena sa isat isat nang hapon nadin iyon ay kinausap ko sila itay at inay na luluwas ako ng maynila para makapag trabaho nahirapan man akong kumbinsihin si inay at itay kalaunan din ay pumayag din sila. AUTHOR'S NOTE! Hi! This is Author Santiago. Ito po ang new account ko. Kaya napagdesisyunan ko na ilagay dito ang My Innocent Maid para sa mga gusto pang makabasa ng aking unang story. Sana maunawaan niyo na ang story na ito ay unedited. Nakita ko na super duper marami talagang Grammatical Errors ang story na ito. Kaya pag pasensyahan niyo na po. Gusto ko mang i edit ngunit marami pa po akong on going story na kailangan ko na pong tapusin. Wala talaga akong time kaya sana unawain niyo na lamang po. First story ko po ang My Innocent Maid. Isa lang akong readers,, hanggang sa sinubukan kong magsulat, wala pa talaga akong alam sa pagsusulat kaya basta basta na lang ako gumawa ng story. Pero gusto kong magpasalamat sa tumangkilik sa story ng My Innocent Maid, maraming maraming salamat po! LoveYouAll
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD