EVAN LEE Kanina pa akong nasa opisina ko pero hindi ko pa nakikita si Cha. Ni anino o presensya nito ay hindi ko maramdaman. Lagpas alas otso na pero wala pa din ito. Panay sipat ako sa mesa nitong bakante pa din na nasa kabila. Mula kasi sa pwesto ko ay nakikita ko iyon dahil sa salamin na dingding. Kaya alam ko kung naroon na ito o wala pa. Wala pa naman kasi akong nare-recieve na text mula sa kanya kung male-late ito o hindi talaga papasok. May mga kailangan kasi ako sa kanyang mga files at hindi ko alam kung saan nakalagay. Siya lang kasi ang may access sa computer nito. Kaya wala akong choice kung hindi hingin iyon sa kanya. Maaga akong pumasok kanina. Naging routine ko na iyon simula nung may nangyare kay Cathy. Ibinuhos ko na halos ang oras ko sa trabaho. Though hindi ko pa din n

