CHARISE MARIE AWHILE AGO Matapos magsawa sa kakatanaw sa mga bituwin na nasa kalangitan ay nagpasya na akong pumasok sa loob ng tent ko. Medyo lumakas na din kasi lalo ang ihip ng hangin. Nararamdaman ko na din ang lamig. Konting oras na lang at birthday ko na at balak kong sa loob na lang hintayin ang pagsapit ng alas dose. Nasa loob na ako ng maramdaman kong lalong lumakas ang ihip ng hangin. Halos gumalaw ang buong tent ko sa sobrang lakas. Binalot ako ng kaba dahil dun. Mukhang matatanggal na ang pagkaka-set up ng tent ko. Parang liliparin at tatangayin na ako kasama iyon. Ngayon ko pa lang na-experience ito sa tagal ko nang namumundok. Medyo natatakot na ako. Hindi na kasi normal ito. Parang iba na 'to. Ang weird na ng pakiramdam ko. Malakas na ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko ala

