CHARISE MARIE Lulan na kami ng van papunta sa next destination namin. Imbes na sa grapes farm ang pupuntahan namin ay nag-change ng itinerary si Mylene. May mga magaganda pang mga pasyalan sa Lungsod ng San Fernando ang hindi pa namin napupuntahan. At sayang din kasi kung di namin iyon mapupuntahan total ay dadaan namin kami roon. Kung tutuusin ay wala iyon sa naunang itinerary na ginawa ni Mylene. Gusto niya lang din kasing bumawi sa mga kasali sa tour dahil sa konting pagkaantala at aberya kanina. Sa tantiya niya din kasi ay may enough time pa naman kaya gustong niyang sulitin iyon para matuwa naman ang lahat ng participants na kasama namin. Pumayag din ang lahat sapagkat pabor iyon sa kanila. Nadagdagan pa kasi ang mga lugar na pwede nilang awrahan na pang-i********:. Napagdesisyun

