CHARISE MARIE It was Evan again. Yes, its Evan again for Godsake! Ayaw niya talaga akong tantanan. Nagsalubong ang mga kilay ko ng makilala ito. Umagaw agad sa pansin ko ang pasa nito sa may bandang taas ng pisngi na ako ang may kagagawan. Sa lakas ba naman ng suntok ko dito kagabi ay halatang napuruhan ito. Halos namamaga pa iyon. At hindi ko pingsisihan iyon. Deserve nito iyon at dapat lang iyon sa kanya. Agad ko siyang pinukol ng masamang tingin. Hindi ko alam na ito ang may-ari ng sasakyan. At sa totoo lang hindi ako natutuwa na malaman iyon. Hindi pa nga ako naka-move on sa nangyare sa amin nang nakaraang gabi tapos ito na naman. Panibagong engkwentro na naman. Nakakainis lang dahil kuntodo tanggi pa ito na walang alam sa sinasabi ko. Gusto pa talagang magpalusot kahit huling-

