EVAN LEE Na-detained kaming apat ng buong magdamag bago tuluyang nakalabas kinaumagahan. Sa tulong ng abogado nito at ng manager ni Rye ay nakalabas kaming lahat matapos na makapagpiyansa. Paglabas pa lang namin ng presinto ay sinalubong na agad kami ng mga reporter mula sa iba't-ibang tv station para kunan ng pahayag si Rye regarding sa nangyare. Pero walang binigay na statement si Rye. Ni hindi rin ito nagpaunlak ng interview para klaruhin ang pangalan nito. Ayon na din sa utos ng abogado at manager nito. Hindi na siya pwedeng magsalita pa. At baka magamit pa iyon laban sa kanya. Hayaan na lamang daw nito na ang manager niya ang mag-ayos ng gulong kinasangkutan niya. Maging kami ay sinabihan na ding 'wag nang magsalita pa na mas ikalalala ng sitwasyon at ng makaka-apekto sa career ni

