EVAN LEE "Love, help me... Love... Love!" sigaw ni Cathy na humihingi ng tulong sa akin. Pinipilit kong abutin ang kamay niya pero hindi ko maabot iyon. Wala na akong nagawa pa. Tuluyan itong nahulog sa kawalan. Alingawngaw ng boses nito ang huli kong narinig hanggang sa tuluyang nawala na iyon. Napasigaw na lamang ako. "Love...!" Napabalikwas ako ng bangon dahil dun. Naalimpungatan ako mula sa mahimbing kong tulog. Tagaktak na ang pawis ko sa noo ko. Habol ko din ang hininga ko. Naiyak na lamang ako ng marealize na nanaginip lang pala ako. Akala ko totoo na ang nakikita ko at ang naririnig ko pero isang panaginip lang pala iyon. Para kasing totoo siya. Buhay na buhay si Cathy roon. And she really need my help pero wala akong nagawa para iligtas siya. At ang sakit-sakit lang isipin na

