CHAPTER 62 Maagang natapos ang klase namin sa sumunod na araw na 'yon. Isang teacher na lang kasi ang nagawang nagturo sa amin dahil busy na ang iba sa magaganap na Inter High next week. Nakaupo ako sa damuhan habang nakasandal ang aking likuran sa malaking katawan ng puno rito sa likod ng campus. Ipinikit ko ang aking mga mata at huminga ng malalim at marahas itong ibinuga. Pinakiramdaman ko rin ang malakas na hampas ng simoy ng hangin mula sa aking mukha hanggang sa buo kong katawan. Napangiti ako sa bagay na pumasok sa aking isipan, sana ay ganito na lang katahimik ang buhay na mayroon ako. Iyon walang iisipin na kahit na anong problema. Tatlong araw ko o higit pa na akong nagpupunta sa lugar na ito sa tuwing wala kaming klase dahil na rin sa tahimik ang lugar at bilang lang sa akin

