Nang makarating ako sa tapat ng pinto na sa katabi lang ng pintong nilabasan ko na classroom. Hinintay ko munang makalapit sa akin si Miss Javier.
Hindi ko aakalain na malilipat ako sa section na ito. Sa totoo lang hindi naman kasi ako ganoon katalino tulad ng mga istudyante na nasa kabilang sa section. Mababa ang average na nakukuha ko. Kaya sa tingin ko hindi ako karapat-dapat na malipat dito. Hindi ko rin naman kasi pinapanalangin pa.
Nang makalapit si Miss Javier sa akin. She opened the door. Everyone inside that room stopped and looked on us even Miss Kim. Ang professor sa klaseng 'to sa oras na 'to ay tumigil din sa pagsasalita.
Hihintayin ko na lang na may magsabi na 'Surprise it's a prank!' sa mga ito ngunit wala akong narinig.
Napalingon ako sa mga istudyante na nandito loob ng classroom. Nakatingin silang lahat sa akin. Lalo na sa grupo na nasa likod. Kung saan nakaupo ang pitong weirdong lalaki kasama na roon si Jeka.
Nakatingin ito sa akin nang masama habang nakangisi pa. Hindi ko na lang ito pinansin. Wala naman akong ginagawa sa kaniya.
Umiwas ako nang tingin.
Hindi ko alam pero bigla na lang ulit bumalik ang inis ko tulad kagabi. Nang makita ko ang ngisi ng Siraulong lalaking 'yon. Tulad niya nakatingin din sa akin ang mga kasama nito at nakangiti pa.
Buysit talaga ang sarap ihampas sa mga mukha nila 'yong teacher table. Wala naman kasing dapat ika-ngisi. Ngisi siya nang ngisi. Napakasiraulo naman ng taong 'to!
Napabaling ako sa lalaking makapal ang kilay. Iyong lalaki na gusto ko na malaman ang pangalan kagabi. Hindi ito nakatingin sa akin bagkus nakatuon lang ang atensyon nito sa bintana. Mas lalo siyang gumwapo dahil sa suot nito.
Nakakalungkot man isipin pero hindi ko man lang nalaman ang pangalan niya. Dibale classmate ko naman siya kaya sigurado akong malalaman ko 'yon.
Ipinakilala ako ni Miss Kim sa buong klase bago tuluyan nang utusan na umupo. Naglakad ako papuntang likuran. Wala nang vacant chair maliban sa pagitan ng lalaking makalapal ang kilay at ang weirdong ito.
Inirapan ko lang ito. Pakialam ko naman sa kanya.
Wala akong magawa kung hindi maglakad patungo sa bakanteng upuan na iyon na may nakalagay na isang bag. Tumingin muna ako sa bag bago lumingon sa dalawang 'to nasa gilid ko. Mabilis naman kinuha ni Harvey na 'to ang bagay at nakangising tumingin sa akin.
Argh! Ano bang nginingisi-ngisi ng siraulong 'to? Ang sarap paslangin ang putik 'yan!
Tinignan ko ang taong nasa likuran ng upuan ko. Nakatingin din ito sa akin habang nakangiti. Inirapan ko ito at tumingin sa likod niya. It's Jeka. Napapalibutan siya nang mga Siraulong 'to. Kaya siguro ganyan 'yan. Infection.
Masama ang tingin na ibinabato niya sa akin. Akala mo talaga may ginawa akong masama sa kanya. Ano bang problema ng taong 'yan at parang ang laki naman yata ng galit niya sa akin? Ako dapat ang nagagalit sa kanya dahil sa ginawa nila sa akin.
Nang makaupo ako nag-umpisa na ulit mag discuss si Miss Kim. Hindi ko na rin sinubukan pa na lumingon sa likod ko at pati na sa taong nasa gilid ko. Maiinis lang ako kapag lumingon ako sa kanya at hindi ako makakapag concentrate sa dini-discuss ng prof sa harapan.
Kung pwede lang umurong at magtatakbo pabalik sa classroom na pinanggalingan ko, kanina ay ginawa ko na. May mga sayad yata mga istudyante dito, eh. Ayaw ko na sa klase na 'to. Promise!
Wait! Paano nga ba ako nalipat sa klase na ito? Hindi ko rin pala alam kung ano ang isasagot ko sa tanong na ito.
Nakaupo ako rito sa damuhan sa parteng likod ng campus. Nag-iisa lang ako wala naman kasi si Aera. Hindi ko na siya classmate kaya iba ang schedule nang break nila kaysa sa amin. Kaya ilang buwan akong mag-ti-tyaga na ganito ang mangyayari sa akin sa araw-araw. Mag-isa walang kasama at walang kaibigan.
Nakakainis din! Pakiramdam ko sasabog laman ng utak ko kanina. Hindi ako nababagay sa section na 'yon lahat ay matatalino. Kahit ang mga siraulong 'yon may ibubuga sa katalinohan. Unlike me.
Nakakahiya nga nang tanungin ako ng prof namin sa second subject. Wala akong maisagot. Hindi lang 'yon pinagtawanan at pinahiya rin ako sa loob ng klase. Hindi raw ako nararapat sa klaseng 'yon. Sinabi ko ba kasing gusto kong lumipat doon? Hindi naman.
Napakamot na lang ako sa batok ko. Sino ba kasing Siraulo ang nagsabi na gusto kong lumipat doon? O bakit ba nila ako nilipat sa impyernong section na 'yon?
Malakas kong ibinato ang hawak kong maliit na bato. Argh! Nakakainis! Ayaw ko nang bumalik sa room na 'yon. Dalawang subject pa lang ang napasukan ko pero ito ako at nahihirapan na.
Napabalikwas ako nang tayo sa gulat, muntikan pa nga akong mawalan ng balanse dahil sa nangyari.
Bigla na lang akong makarinig ng boses galing sa likod ko. Ano na naman kaya ginagawa ng siraulong 'to rito at paano niya nalaman na rito ako nagpunta matapos ang klase?
"Ano ba?!" inis kong sigaw sa kaniya.
Tinignan ko ito nang masama na mas lalong ikinatawa niya. Siraulo nga talaga! Hindi niya ba alam na ayaw ko siyang makasama o lumapit siya sa akin?
Ganiyan ba talaga siya? Buti hindi siya napagkakamalan na baliw ng mga classmate namin lalo na ang mga kaibigan nito. Ay, hindi nga rin pala talaga. Mga baliw rin pala ang mga 'yon tulad niya.
"Relax," chill niyang sabi.
"Problema mo ba ha? Bakit ka ba nanggugulat at ano ang ginagawa mo rito?" inis kong saad sa taong kaharap. Wala naman kasing dahilan para magpunta siya rito.
"This," turo niya sa buong paligid at muli akong nilingon. "Is one of our property. In short pwede akong tumambay o magpunta rito kahit anong oras o kailan ko gusto," sagot nito at tinaas baba pa ang kilay niya.
Sinamaan ko ito ng tingin ngunit tulad kanina ay ngumisi lang ito. Argh! Nakakainis talaga ang Siraulong 'to!
"Sus. Kunwari pa. Sinusundan mo lang ako."
Totoo naman, eh. Sa tagal ko nang tumatambay rito ni minsan hindi ko pa siya nakikita rito. Kaya sigurado akong sinusundan niya ako or worse sinundan niya ako para guluhin at inisin.
"Hindi ha. Bakit naman kita susundan, Aber?" tanong nito. Nagdadahilan pa!
"Kasi gusto mo ako--"
"Ikaw gusto ko? No way!" putol niya sa sasabihin ko.
"Patapusin mo nga muna ako," naiinis kong balik. "Gusto mo lang akong sundan kasi gusto mo akong pikunin. O baka naman talaga--"
Kita mo na kainis talaga 'tong siraulo na 'to.
"Hindi nga sabi ang kulit mo!" pagkakaila nito at umiwas pa ng tingin.
"Sus. Hindi raw." I rolled my eyes. Whatever!
"Hindi nga kita gusto," depensa nito.
"Depensive much. Hindi rin kita gusto, nuh! Ayaw ko sa siraulong tulad mo," dire-diretso kong sabi with pointed his face.
"Lalo na ako ayaw ko sa pikon na tulad mo," balik niya rin sa akin at dinuro pa talaga ang mata.
Napaurong tuloy ako dahil doon. Mukha niya lang ang dinuro ko hindi ang mata niya, mamaya matusok niya ito tapos mabulag pa ako.