CHAPTER 27 "Are you okay?" Hinawakan nito ang pisngi ko na namananaga. Napadaing ako. Masakit talaga ilang beses niya ba naman akong sinampal at ang lalakas pa. "Ano ba masakit!" giit ko rito at naiinis siyang tinignan. Siya kaya itong sampalin ko nang paulit-ulit. Tignan natin kung hindi siya masasaktan. "S-Sorry." Nagmadali itong lumabas ito at nilapitan ang Dean na nakatayo sa labas bago ito kinausap. Hindi ko nga alam kung para saan, eh. Mayamaya pa ay bumalik na rin ito. Inumpisahan niya na lang paandarin ang sasakyan. "Ano bang ginagawa mo? Saan tayo pupunta? Baka maiwan tayo ng bus," sabi ko rito. Tumingin ito sa akin. "Nagpaalam ako sa Dean. Kung puwedeng hindi tayo sumabay sa bus. Alam mo naman ang mangyayari, 'di ba? Lahat ng mga schoolmates natin ay galit sa 'yo. Kaya w

