CHAPTER 39 "Wag ka nang sumunod. Nakita mong sinundan na ni Vince, eh!" pigil sa akin ni Harvey habang mahigpit na hinahawakan ang braso ko at naiilang pa na umiwas ng tingin. "Saka wala akong kasama rito." "Sandali lang ako, nuh!" Tinanggal ko ang kamay nito na nakahawak sa braso ko. "Wait lang, diyan ka lang!" Wala rin kasi akong tiwala sa Vince na 'yon. Playboy rin ang taong 'yon baka saktan niya lang si Aera. Nasaktan na na siya dahil kay Cleo masasaktan ulit siya dahil kay Vince. Nang makalabas ako ng bar. Nakita ko si Aera nakaupo habang umiiyak habang nasa likod nito ang braso ni Vince at marahang hinahaplos ang likod nito. Hindi ko alam pero naglaho lahat nang mga masasamang bagay na naiisip ko kay Vince. Ang pagiging Playboy, lahat ng iyon ay naglaho dahil na rin sa mga narini

