CHAPTER 48 Nag-umpisa na rin ang party at may mga ilan na ang sumasayaw na sa dance floor. Naagaw ng buong atensyon ko ang dalawang taong kasama namin sa malaking table. Nilingon ko ang aking ulo kay Vince at Aera na humahagikgik sa tawa. They're good with each other at para ba silang nanonood ng isang palabas na puro kalokohan ang laman. Nakakapagtaka naman, ano kaya ang nangyari? Ngayon ko lang kasing nakita na ganito tumawa si Aera mula nang ni basted siya ni Cleo noon sa camping namin. Panandalian siya huminto nang mapansin niya ako na pinapanood sila. Tumingin ito sa akin at kumaway pa sandali bago pinakinggan ang bulong ni Vince sabay hagikgik muli. Lumingon naman ako kay Cleo na katabi lang ni Nico. Tahimik lang ito at hindi kumikibo ngunit magkasalubong ang noo nito at kitang

