CHAPTER 30 "Para saan na naman?" taka kong tanong at binalingan siya ng tingin. Nakatingin ito sa bubong ng tent na para bang ang daming bagay na naglalaro sa kaniyang isipan. "Habang umiihi ka kasi napasok sa isip ko na..." Ibinigay niya ang buong atensyon sa akin. "Nakipag-ayos ka lang sa akin dahil sinamahan kita. Kaya pumayag ka na magbait tayo. Gusto ko lang mag sorry talaga sa 'yo. I'm sorry about sa mga nasabi ko sa iyo noong isang araw. Hind--" Tulad kanina ang hawak nitong flashlight ay nakatutok sa mukha ako at ang flashlight ko rin ang mukha niya. Ngumiti ako rito at umiling. "Tama ka naman, eh. Lahat nang sinabi mo tama. Baka nga dahil sa akin baka mag break pa sila Nico. Nagi-guilty tuloy ako sa ginawa ko." "I'm sorry." "Sorry ka d'yan. Wala ka nga sabing kasalanan." It

