CHAPTER 56 "Harvey cr lang ako," paalam ko sa kaniya at sandali pang hinawakan ang braso niya para maituon sa akin ang buong atensyon niya. Hindi ko na hinintay pa ang maaari niyang maisagot at nagtatakbo nang nagtungo papunta sa restroom. Kanina ko pa pinipigilan ang ihi ko na gusto nang lumabas. Hindi naman kasi ako nagawang payagan ng prof namin malapit na rin matapos ang program. Masaya nga ako at natapos na rin ang contest ng Miss Intramural. Paikaika akong nagpatuloy sa paglakad. Narinig ko rin ang pahabol na sigaw ni Harvey, mukha hindi niya maintindihan ang sinabi ko. Nakita ko rin siya na naglalakad upang sundan ako ngunit natigil siya nang bigla na lang siyang lapitan ni Josh at pigilan. Hindi ko na narinig pa ang pinag-uusapan nila dahil masyado ng malayo ang distansya nila

