CHAPTER 6

1262 Words
"Ano ba?" Naiinis kong sabi at masama itong tinignan. Pilit ko pa rin magpumiglas sa pagkakahawak nito sa braso ko ngunit hindi ko magawa. Malayo ang agwat ng lakas namin. Kaya mas lalo lang akong nanghihina dahil sa pamimilit na ginagawa ko. "Saan mo ba kasi ako dadalhin?" tanong ko at muntikan pang natapilok sa bilis nang paglalakad niya. Hindi pa rin ito kumikibo. Nagpapatuloy lang siya sa paglalakad habang hila-hila pa rin ang braso ko. Kanina pa siya, ha! Nakakainis na talaga siya! Gusto ko man huminto ngunit hindi ko magawa baka masubsob lang ako. "Bingi ka ba o sadyang nagbibingi-bingihan ka lang?" Halos pagtinginan at pagbulungan na kami ng mga istudyante rito dahil sa hila-hila ako ng Harvey na ito. Isa na rin siguro sa dahilan ng pagbubulungan nila ay ang itsura naming dalawa. Tulad ko ay hindi pa rin siya nakakapagbihis ng damit niya. Siguro wala rin siyang dalang extra na damit. Aish! Ano ba kasing problema nito at bakit hinila niya ako nang walang pasabi? Wala rin kibo ang dalawang guard nang nakasalubong namin. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa parking lot at tumapat sa isang magarang sasakyan. "Get yourself inside my car," nay autoridad nitong sabi. Magtatanong na sana ako nang bigla na lang muli itong nagsalita. "I know hindi ka p'wedeng umuwi sa bahay niyo nang gan'yan ang itsura mo. Lalo na pumasok sa klase natin. If I were you. You listen to me and do what I've said. Get inside the f*cking car then shut your mouth." Wala akong nagawa kung hindi pumasok sa sasakyan nito. Kasalanan niya lahat nang ito! Kung hindi niya ako sinundan doon sa likod ng building. Edi, sana hindi ko siya itutulak at hindi niya rin ako itutulak sa mga basura na 'yon. Edi, sana nasa loob na ako ng room at nakikinig sa madugong discussion. Lumingon ako sa kaniya nang ma-realized mo ang mga isinisigaw ng aking isipan. Mabuti na rin siguro na nangyari ito. Hindi ako ready sa mga nangyari kanina na sa isang iglap lang nalipat ako sa first section na parang magic lang? Hindi ko pa rin inaalis ang sama nang tingin ko kay Harvey. Ang weird niya talaga. Kanina lang nakangisi at may patawa-tawa pa siyang nalalaman tapos ngayon napakaseryoso na ng kaniyang mukha. Aish! Siraulong weirdo nga talaga siya! Nakulangan yata ang mommy niya sa buwan na pagdadalang tao sa kanya. Kaya ganyan kinalabasan. Nang makapasok kaming dalawa sa sasakyan niya. Inumpisahan niya nang buhayin ang sasakyan at paandarin ng wala nang salitang lumabas sa kaniyang bibig upang bigyan ako ng idea kung saan kami pupunta. Sa gitna ng pag-da-drive nito. Napaisip ako. Saan ba kami pupunta? Hindi man lang nito sinabi kung saan niya ako planong idala. "Oi, Lalaki," tawag ko sa kaniya. Hindi ako pamilyar sa daan kung saan niya ba ako gustong idala Hindi ito sumagot ni tapunan ako ng tingin ay hindi niya ginawa. "Oi, Weirdo," tawag ko ulit. Nakatuon pa rin ang atensyon nito sa daan ngunit nahuhuli ko ang pasimpleng pagngiti nito sa hindi maipaliwanag na kadahilanan. Teka, natutuwa ba siya na magbingi-bingihan sa harapan ko at makita na naman akong nanggigilaiti sa pagmumukha niya? Kung ganoon, hindi ako natatawa sa pinaggagawa. Maliban maiinis ako sa kaniya, mas lalo niya lang pinapatunayan na siraulo nga talaga siya. "Oi, Siraulo," inis ko nang sabi. Hindi man lang talaga ito lilingon sa akin? "Nakakainis ka na, ha!" Dedma pa rin ang putik 'yan! Huminga ako nang malalim upang iready ang aking sarili sa gagawin kong pagsigaw. "OI! HARVEY NA SIRAULO NA WIERDO PA! Bingi-bingihan lang ang peg?!" Sa laki ng bunganga ko ko habang isinisigaw ko ang mga salitang iyon ay maaari ko na siyang malunok ng buhay. Tumawa ito bago lumingon sa akin. Kitams? Siraulong weirdo talaga. Wala naman nakakatawa sa mga sinabi ko. "What?" "What? What ka d'yan, kapag nainis talaga ako sa 'yo. Tignan mo, ha!" naiirita kong sagot. "Saan?" taka niyang tanong at lumingon-lingon pa kung saan. "Anong saan?" taka kong balik na tanong. Ano bang tinutukoy niya? "Saan ko titignan?" Abot taenga ang ngiti niya na halos mapunit na ang kanyang labi habang pasulyap-sulyap na nililingo ako. Sinapak ko nga braso nito kahit na nag da-drive pa siya. Bahala siya diyan! "Alam mo napaka Siraulong weirdo mo." Ang hirap magkaroon ng kasamang katulad niya. Para bang ako pa ang mauunang mapunta sa mental kaysa siya. "Ikaw nga pikon na slow," bulong niya na halata naman na pinaparinih niya sa akin. "Anong sabi mo?" Nilingon ko siya at may matatalim na mga mata. Nakakataas ng blood pressure kausapin ang isang 'to. Ang sarap tuloy ingudngod ang nguso niya sa manubela. "Sabi ko pikon na slow." "Inulit mo pa talaga?!" "Pinaulit mo, 'di ba?" natatawa nitong wika. Lintik talaga 'tong lalaking 'to sarap sakalin. "Nakakainis ka na, ha." Hindi ito sumagot. "Oi, Harvey na siraulo. Saan ba tayo pupunta?" Seryoso na ang tanong ko kaya sana, 'sana' sagutin niya ng maayos. Naku-curious na talaga ako kung saan kami pupunta. Hindi kasi talaga pamilyar ang lugar na dinaraanan namin. "Sa bahay po, Miss Rin the pikon." Hindi pa rin mawala ang ngiti nito sa kanyang labi. "W-What?" Sa bahay? Sa bahay nila? Ano? Bakit doon? "Sa bahay po, Miss Rin the pikon," ulit niya uli. "What?" "See? Slow ka talaga." Umiling-iling pa ang ulo nito. "Siraulo ka, ah! Anong slow ka d'yan tinatanong kita nang maayos." "Sinasagot ko nang matino," pilosopo nitong sabi. "Matino ba ang itatawag mo roon?" "Ano sa tingin mo?" May pang-aasar na tingin nang lingunin niya ako. Inirapan ko ito at hindi siya sinagot. Lumingon na ako sa daan. Wala siyang kwentang kausap. Pinagmasdan ko na lang ang mga puno at bahay na nadaraanan ng sinasakyan namin. Nakakamangha rin ang bawat deasign ng mga bahay na nadadaanan namin. "Tumigil ka nga sa kangingiti mo," sabi ko nang mapansin na nakangiti pa rin ito. I rolled my eyes. "Bakit naiinlove ka sa ngiti ko, nuh?" biro nitong sabi. Feeling! Umakto pa akong nasusuka para lang ipakita sa kaniya na nandidiri ako sa sinabi niya. "Yuck!" nandidiri kong boses. "Ako maiinlove sa iyo? Hindi, nuh. Kinikilabutan nga ako. Alam mo 'yon nakakadiri 'yang mga ngiti mo. Feeling ko kapag ganyan ka ngumiti may binabalak kang masama sa akin." Tinignan ko ito nang masama. Iyong mga tingin parang tingin ng mga manyakis na napapanood ko sa t.v. "Anong ako ikaw nga yata, eh. Feeling ko nga gigilitan mo ako nang buhay kapag ganyan ka makatingin. Nakakatakot, nakakapandiri at nakakakilabot. Alam mo ba 'yon?" masaya ang boses nito habang pinapamukha sa akin ang mga salitang 'yon. Ang kapal talaga! "Aba't ang yabang nito. Sa ating dalawa ikaw pa talaga ang nakakaramdam nan. Hibdi ba dapat ako?" pagkokontra ko. "May karapatan naman ako, ah." "Wala, nuh. Kaya tumigil tigil ka d'yan sa kangingiti mo." Inirapan ko siya at umiwas ng tingin. "Bakit nga?" Muli kong ibinalik ang akong mga mata sa kaniya bago muling nagsalita, "Nagmumukha ka kasi talagang Siraulo dahil sa kangingiti mo para ka iyong mga tao sa mental." "You don't know all girls fall in love with my killer smile? Kaya nga ang daming girls na mayroon gusto sa akin, eh," taas noo niya pang sabi. Iyang killer smile niyang sinasabi baka mapatay ko siya dahil diyan. "Sila siguro nai-inlove sa 'yo." Itinuro ko sa labas ng sasakyan ang pointed finger ko na ang tinutukoy ko ang mga babaeng sinasabi niya. "Ako?" Turo ko sa sarili ko. "Kinikilabutan." Nagkibit balikat na lang ito na para bang hindi naniniwala sa mga sinasabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD