Sinamahan ko si Ares sa pagja-jogging sa park. Parte ito sa paghahanda niya sa volleyball finals kahit sa desperas ng pasko nagpa-practice siya. Tagaktak yung pawis nito matapos mag jogging. Inabotan ko siya ng water at towel. " Thanks babe." Nagpunas ito ng pawis at uminom sa harap ko. Aware ba ito na super hot niya? Hindi naman ako tumakbo pero pinagpapawisan ako sa magandang view sa harap ko. May iilan tao sa park na hindi naman mapigilan mapatingin sa kanya. Mabilis mo din kasi siya mapansin. May gumulong naman bola sa puwesto namin. Kinuha iyon ni Ares. " Salamat po." Sabi ng teenager na babae. " Sa inyo ba ito?" Nung tinanong siya ni Ares ay nanlaki ang mga mata nito. " Ohh gahd! Wait!!!" Nagtitili na ito. Niyakap agad si Ares. " Gosh! Ares Weasley!!!" Natawa naman ako sa r

