Tinawagan ko si Mang Danny yung personal driver ko na magmamaneho ng ni rent kong mini bus na unahin kami sunduin bago pumunta sa company para sunduin ang iba. " Wala na ba tayong naiwan?" " I think... wala na babe. Andito na ata lahat sa bag." Ang cute ni Ares sa tsinelas niya na kulay blue. Kung mapapansin niyo naka-couple slippers kami kulay white lang yung akin. Nakasakay na kami sa bus syempre magkatabi kami sa harapan ni Ares papayag ba ako na hindi. " Tayo na sa company Mang Danny." " Okay po ma'am." Ilang sandali lang ay nasa building na kami. Nakita ko na sila Jennie naghihintay sa labas. " Hay, finally!" Excited pumasok ang lahat sa mini bus. " Ate Elisse... hindi pa po dumarating si Ares---" Natigilan si Zoey ng makita niya si Ares sa tabi ko. " Ohh... andito na pala si

