Nanalo nga sila Ares kontra sa Nashville maganda yung game na umabot ng five sets. Magaling ang pinakita ni Ares dahilan para siya ang maging player of the game.
Bumaba kami ni Jennie para batiin sila Zoey sa pagkapanalo nila.
" Ate Elisse! You're here."
" Congrats Zoey, you really did well." Bati ko sa kanya. Nahagip ang pansin ko kay Ares na pagkatapos ng interview niya ay yung malanding babaeng fan na maingay kanina ay nakapagpapicture sa kanya.
Ganun na lang naningkit ang mga mata ko na yung malanding babaeng fan yung kamay pa nito nasa bewang ni Ares. Nanlaki ang mga mata ko ng humalik pa ito sa pisnge na hindi inasahan ni Ares.
" That's it!" Uminit yung ulo ko.
" What?" Takang tanong ni Jennie pero hindi ko yun pinansin mas nangingibaw kasi ang init ng ulo ko ngayon kay Ares.
" ARES!" I called her full of authority kaya napatingin sila lahat sa akin.
Alam iyon ni Ares kung ano ang gagawin sa tono palang iyon ng boses ko.
Nagpaalam na siya sa mga fans niya at dun sa babaeng maharot. Lumapit siya sa amin.
" Hi, ate Jennie and... E-Elisse." Halata sa boses niya na kinakabahan ito. Alam kasi niya na galit ako at wala sa mood. " Did you enjoy the game?"
" Yes, ang galing-galing niyo kanina. Ito si Elisse first time manood ng volleyball ay nag-eenjoy din." Kwento ni Jennie.
" Yeah, First time nga ni Elisse manood ng volleyball. I- I was surprised." I just rolled my eyes at her.
" Jennie, let's go." Aya ko kay Jennie.
" Mars... Kumain mona tayo itreat natin sila kasi nanalo sila ngayon."
" Wow! Ate, maliligo mona kami ni Ares. Tayo na Ares." Nagpahila na siya kay Zoey pabalik sa locker nila. Wala akong balak na pansinin siya.
Hinintay na lang namin sila sa parking lot at madami pa din fans nila naghihintay sa kanila sa labas. Nakita namin sila papunta na dito basa pa yung mga buhok nila. I was stunned when I see Ares wearing white long sleeves polo na nakabukas ang tatlong butones nito at leather shorts na napaka-iksi and flat shoes. She looks like a supermodel. And I hate it kasi masyado siyang hot at sexy para hindi mapansin.
" Saan tayo?" Tanong agad ni Zoey.
" Let's go to Teriyaki boy. Mars... sumabay ka na kay Ares ha." Tumango lang ako. " Ares sundan mo lang ako."
" Okay, ate Jennie."
Pinagbuksan ako ni Ares ng pinto saka pumasok na ako at ganun din siya. Walang nagsasalita sa amin dalawa hanggang sa biyahe.
" Babe?" Ito na unang nagsalita sa aming dalawa. Hindi niya kasi matitiis na hindi ko siya kinakausap. " Babe... I'm so so... happy nanood ka ng game." Kahit hindi ko siya tingnan alam ko na masayang masaya siya pero hindi ko pa din siya kinakausap. " Babe? Are you mad at me? Please tell me."
Bago pa ako nakasagot sa tanong niya ay nakarating na kami sa Japanese restaurant. Pinark mona niya ang kotse at pinatay ang makina.
" Babe?" She holds my hand. She looks worried. " Anong ginawa ko para magalit ka sa akin?"
This time I look at her. Stared at her face. Bakit ba ang ganda-ganda niya? Wala ako maipintas sa mukha niya.
" Tara na... Naghihintay na sila sa atin sa loob baka magtaka pa yun."
" No! Unless you will tell me why are you mad at me?" She locked the door.
" Ares!? Unlocked the door!" I order her.
Napabuntong hininga siya at sinunod ang utos ko. Lumabas ako sa kotse niya hindi ko na siya hinintay. Nauna na ako pumasok sa restaurant.
Nag order na kami ng pagkain. Tahimik lang si Ares at walang ganang kumain sigurado apektado pa din ito sa pagtatalo namin kanina sa loob ng kotse nito.
" Ouch!" Daing niya ng sinipa ko yung paa niya sa ilalim ng lamesa.
" What happened?" Concerned na tanong ni Zoey.
" Amh... Sumakit yung paa ko dahil siguro ito kanina sa game." Alibi nito saka napatingin sa akin pero poker face lang ako kunwari busy sa pagkain ko.
" Gusto mo dalhin ka namin sa hospital baka kasi na injured ka na. May susunod pa kayong game." Worried ni Jennie.
" Thanks ate Jennie but no need to do that hindi naman masyado masakit lalagyan ko lang ng cold compress mamaya sa bahay." Alinlangan tumingin siya sa akin.
Sumenyas ako sa kanya na kumain na siya kesa titigan lang ako baka maka-halata sila Jennie at Zoey.
Pagkatapos namin kumain ay nagyaya na si Jennie umuwi.
" Ate Jennie thank you sa treat kanina."
" You're welcome Ares. Mars tayo na?"
" Amh... May bibilhin pa kasi ako sa book store kaya hindi na ako sasabay sa inyo ni Zoey."
" Hatid ka na lang namin."
" Wag na, sasabay na lang ako dito kay Ares iisang way lang naman kami."
" O-Oh sige, mag-ingat kayo."
" Ares kita na lang tayo sa school." Pumasok na sila sa kotse. Nag wave lang kami sa kanila ng umalis na mga ito.
Ngayon naiwan kami dalawa ni Ares. She holds my hand.
" Bakit mo ko sinipa kanina? Ang sakit kaya." Nakalabi ito.
" Let's get inside."
Pumasok na kami sa kotse saka ko siya hinalikan ng mariin. Napaungol naman siya sa ginawa ko. Kumandong na nga ako sa kanya. We still continue kissing I felt her hands inside my shirt. I suddenly feel hot kaya pinutol ko na yung halikan namin bumalik ako sa upuan ko. Inayos ko yung sarili ko.
" Drive..." Utos ko sa kanya.
Dumiretso kami sa condo niya na malapit lang sa Taft.
" Babe, what's wrong? You're acting bit weird."
" Wala ako sa mood." Sagot ko.
" I know, kanina pa mainit ang ulo mo sa akin ehh. Hindi ko naman alam kung ano yung ginawa ko kasi ayaw mo naman sabihin." Nag walk out ito at pumasok sa kwarto.
Sinundan ko siya sa kwarto nakaupo lang siya sa kama. Nakonsensya naman ako kasi wala naman talaga siya ginawang mali. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya.
" I'm sorry..."
" Ano ba kasing problema?" Tanong niya sa akin.
" Nothing... Uminit lang yung ulo ko." Ngiti ko sa kanya na tipid.
" Dahil?" She curious.
" Dahil... Ma-Mainit sa arena kanina sa dami ng tao." Pagsisinungaling ko.
She smiled at me and hold my hand. " I'm so happy you were there watching me playing. You don't know how happy I am." Then she kissed me passionately. Tinutugon ko naman ang bawat halik niya. Yung kamay ko nakayakap sa batok niya.
" Basta wag ka lang magpapalandi sa iba." I warned her.
" I'm not gonna do that."
" Akin ka lang."
" Sayo lang ako. Sayo lang ako magpapaangkin ng buong buo." Masaya na ako marinig iyon mula sa kanya.
Nasa kitchen ako magluluto sana ako para sa dinner namin pero pagtingin ko sa ref niya walang meat or pork kundi hotdogs, ham, itlog, chocolates, milk, beer sa cabinets naman puro instant cup noodles, junkfoods and cookies.
Napatingin ako sa kanya na nanonood ng Asia's next top model.
" Ares? Ano ba naman toh ref mo puro chocolates at instant na pagkain." Pinagsabihan ko nga siya.
" I'm sorry babe, I forgot na mag grocery ehh."
" Magpa deliver na lang tayo. Ano ba gusto mo?"
" Lasagna and pizza." Ngiti niya sa akin. She really loves pizza.
Nagpadeliver na nga ako para sa dinner namin. Tumabi ako kay Ares na agad naman niya ako inakbayan para lalo pa kami magkalapit. Gustong-gusto talaga nito manood pag tungkol sa mga pagmomodelo dahil siguro na isa din siyang modelo.
" Ganyan ba mga tipo mo mga babae?" Tanong ko sa kanya curious lang ako. Nagtataka naman napatingin siya sa akin.
" No, They are not my type." She said while looking into my eyes.
" Pero bakit gusto mo manood ng ganyan?" Tukoy ko sa show.
" Well, it takes the guts to be on that show."
" Yun lang ba talaga?" Paninigurado ko sa kanya. " Di naman kaya yung tipo mong babae gaya nung babae nagpa picture sayo kanina?"
" Babe... " She cupped my face. " What did I tell you? Diba, Sayo lang ako. My mind and my heart belongs to you. I love you so much." She speaks from the heart. " At higit sa lahat yung tipo kong babae ay nasa harap ko na. Mas gusto ko yung mas matanda pa sa akin." Kinurot ko nga siya sa tagiliran.
" Kainis ka!" Pinalo ko nga siya sa braso.
" Ouch!" Tawa niya pero niyakap niya ako sa likod. " Don't tell me na nagseselos ka?"
" Me? No!" Lumayo ako sa kanya. Iniiwasan ko siya wag tingnan. " Masama bang malaman ko ano yung mga tipo mong babae?"
" No?"
" But it doesn't mean nagseselos ako. Bakit naman ako magseselos?"
" Calm down babe... Hindi na kung hindi." Ngiting-ngiti pa siya.
" Ares... Don't!" Ayoko kasi yung ngiti niya.
" Why? Wala naman masama kung nagseselos ka. Cute nga ehh." Kindat niya sa akin.
" Stop it! Hindi ako nagseselos."
" Babe... Tumawag pala sa akin ang FM gusto nila ako rumampa sa fashion week show nila."
" Magsusuot ka ng two piece?" Tumango lang ito na parang wala lang dito na magsusuot ito ng two piece. Tiningnan ko si Ares mula ulo hanggang paa. " No..."
" Babe... Malaki yung offer nila."
" Mababastos ka lang sa show na yan."
" Kilalang companya ang FM, Babe." Pagpupumilit pa nito.
" I said No!" Napagtaasan ko siya ng boses na kinagulat niya. " Ares, wag na sana natin toh pagtalonan pa. Ayoko rumampa ka sa fashion show na yan."
" Okay... I will just cancel it."
Bigla naman may nag door bell. " Ito na ata yung delivery." Tumayo si Ares para siya na ang kumuha.
Napabuntong hininga na lang ako. Nagtungo na lang ako sa kitchen para kumuha ng mga plato.
" Babe... Let's eat." Dala na niya yung inorder ko.
Habang hinahanda niya yung pagkain. Alam ko na gustong gusto niya rumampa sa fashion show dahil malaki nga yung offer para na din sa sarili niya. Kailangan nga niya ng pera kasi nga sarili lang nito ang inaasahan habang andito siya sa Pilipinas.
" Babe... " Tawag ko sa pansin niya.
" Yes, babe?" Natigil ito ng hawakan ko yung kamay niya.
" Hindi mo kailangan rumampa sa fashion show na yan, I will give you money. I will support you."
" No, I will not take it. Pumayag nga ako minsan ikaw yung nag go-grocery dito sa bahay. Hindi ako rarampa sa FM and don't worry madami naman akong sideline." Ngiti niya sa akin. Alam ko talaga na hindi niya tatanggapin." Let's eat... I'm hungry na."
Enjoy na enjoy siya sa paborito niyang lasagna at pizza parang bata.
" Babe... Dito ka ba matutulog?"
" Oo, dito ako matutulog." Nakita ko yung pagliwanag sa mukha niya habang naghuhugas siya ng pinggan. " Maliligo lang ako."
" Sabay tayo?" Pilya nito.
" Tse... Maghugas ka diyan." Ngiti ko.
" Babe!? Sabay na tayo maligo." Tumawa lang ako papunta ng banyo.
Pinasok nga ako ni Ares sa banyo kanina habang naliligo ako. Doon inangkin niya ako. Ang daming pilya sa katawan nito hindi naman ako nagrereklamo kasi gusto ko din naman. Si Ares yung tao na nahihirapan ako tanggihan. Ewan ko ba may something talaga sa kanya na lumalambot ako. Marupok ako sa kanya.
Andito kami sa kwarto nagbabasa ako ng libro habang nakayakap sa akin si Ares.
" Babe... Kamusta yung date niyo ni Adrian?" She asked.
" Hindi naman natuloy kasi kailangan niya pumunta sa Cebu."
" Cebu? Bakit daw?"
" Kasi... Nagkaproblema yung planta nila dun. One week siya sa Cebu."
Napa-angat ang mukha niya sa akin para tingnan ako at naka ngiti na ako sa kanya.
" You mean... One week ka din sa akin?" Tumango ako. She bite her lower lip saka tuloyan ngumiti kitang kita yung biloy sa pisnge nito. She kiss me slowly with passion. Amoy ko pa yung sweet mint na hininga niya. " Punta tayo sa Enchanted Kingdom, Let's have dinner date then punta tayo sa park." Napangiti ako kasi ang dami niyang gustong gawin. Bumalik din ito sa pagkayakap sa akin. Ramdam ko na masaya siya.
Tinigil ko na yung pagbabasa ko ng libro. Sinusuklay ko na lang yung buhok ni Ares na mahimbing na natutulog.
Habang pinagmamasdan ko siya sa pagtulog lalo lang lumalalim yung nararamdaman ko sa kanya. It grows bigger everyday kasama ko man siya o hindi. Hindi ko inaasahan na ganito yung mararamdaman ko.
Nagseselos ako kanina sa mga babaeng umaaligid sa kanya. Nagiging madamot ako pagdating sa atensyon niya. Hindi ko gusto yung ganitong pakiramdam pero hindi ko din mapigilan.
" Akin ka lang. Walang pwedeng magmamay-ari sayo kundi ako lang. Walang sinong babaeng magtatangkang agawin ka sa akin. Sisiguroduhin ko hindi ka maagaw sa akin. Dahil pag-aari kita."
Ang sama ko sa mga iniisip ko. Gawin ko ba naman isang gamit si Ares. Hinahaplos ko yung malambot at makinis niyang pisnge.
" Hindi ko kakayanin mawala ka sa akin." I hugged her and it feels home. Nagising ko pa ata siya.
" Babe?" Namumungay mga matang tanong nito. " Let's sleep na." She adjust her position. Nakaunan ako sa braso niya at niyakap niya ako. Gustong-gusto ko yung init na nanggagaling sa katawan nito. I feel protected and safe. Sumiksik ako lalo sa kanya.