Masayang bumalik ako sa opisina. Nang makita ko yung frame namin dalawa ni Adrian ay tinapon ko iyon sa basurahan. Ayoko na makita kahit anong bagay na may kaugnayan dito. Kasabay ko kumain si Jennie sa restaurant. Bigla naman nag vibrate yung phone ko. Nakita ko tumatawag si Adrian pero hinayaan ko na lang iyon. Wala akong planong sagutin yung tawag niya at kahit pa ma lowbatt pa yung phone ko. " Sagutin mo kaya." " Hayaan mo siya. Nga pala, sa bahay mo mona ako matulog ha." " Nag-away kayo ni Adrian? Alam na ba niya na alam mo na yung kung anong ginawa niya kay Ares?" " Hindi pa..." " And I don't want to talk about that dahil naiisip ko lang yung maling desisyon ko na pinakasalan ko siya." " Wag mo yan isipin Mars, wala naman kayong kasalanan ni Ares pareho kayong biktima kay Adr

