Chapter 16 PRESTON… PAGPASOK NA PAGPASOK pa lang ng bahay ng mga mag-Formillio agad na siyang naging alerto. Maraming tauhan na nakapalibot sa bahay nito. Halata namang hindi lang simpleng Agency ang negosyo ng mga ito. Tinignan niya si Jasmine na parang palagay na ang loob na pumunta-punta sa lugar na ito. Napailing siya. She’s so naive, hindi niya alam na ang mga taong ito ang nagpapahamak sa kanya. Sabay silang naupo sa sofa ni Jasmine. Sinigurado niyang tabi sila nito at magkadikit. Wala naman siyang naramdaman na pagprotesta mula sa dalaga. Akbayan ko pa nga. Aniya sa isip niya at ginawa nga niya. Lihim siyang napangiti, Jasmine didn’t remove his hand nor complain about it. “Jasmine,” anang boses ng isang lalaki mula sa hagdan. He brace himself to finally meet the man that t

