Chapter 11 PRESTON… TITIG NA TITIG siya sa gate kung saan pumasok si Jasmine, mataas ito na may mataas ding bakod. Dito siya dinala ng tracking device niya nang sundan niya si Jasmine kanina nang sumakay na ito ng taxi. Hindi niya kasi agad na nasundan si Jasmine dahil saw ala siyang dalang sasakyan. Kinailangan pa niyang maghantay ng taxi para lang masundan ang dalaga. “Did you get the information who is residing in this place?” tanong niya kay Fortress. Naririnig niya ang pagtipa ni Fortress sa computer, “Formillo family,” sagot ni Fortress sa kanya. “More details,” aniya. “Mukhang hanggang dito lang ang maitutulong ko sa ‘yo Poseidon. All details are lock,” ani Fortress. Napakunot ang noo niya habang nakikinig sa sinasabi ni Fortress, “I think I know where I will start digging i

