Chapter 27 PRESTON… “GAANO kayo kasigurado na nandito nga ang Dylan na iyon?” Kanina pa siya nangungulit sa mga kasama niya. Pero ni isa sa mga ito walang pakialam sa tanong niya. Nagkanya-kanya na sila ng pwesto, tatlong lang silang sumugod dahil kulang sila sa tao. Ang ibang mga tauhan ng SIS nasa ibang mission, ang ilan naman ay on leave. Kasama ba naman doon ang magaling nilang boss, si Alpha. “Ang ingay, this is why I don’t like working with someone.” Ani Zeus. Magmamarakulyo na sana siya ng may makita siyang paparating na mga sasakyan. “Target on site,” ani Apollo. Inabot niya ang binocular sa tabi niya para siguruhin na si Dylan nga talaga ang sakay. Pero dahil sa tinted ang gamit na sasakyan hindi niya nasilip ang loob. “f**k! Guys look at the third wheel, si Senat

