Chapter 13 PRESTON… HINDI SI Jasmine ang nagpunta sa bahay niya kaniyang umaga. Ang sabi ng Mama nito pupuntahan daw nito si Dylan. Kaya ngayon sira ang araw niya, kahit na pinuntahan siya ni Jasmine ng hapon hindi na maalis ang inis niya sa dalaga. “Bakit ba naksimagot ka?” tanong sa kanya ni Jasmine na hindi niya ito pinansin. Nakaupo lang siya sa may sofa at nakatutuk ang mga mata niya sa TV pero hindi naman niya naiintidihan ang pinapanood niya. “Hoy Preston!” tawag sa kanya ni Jasmine pero hindi niya pa rin ito pinapansin. Basta naiinis siya sa babaeng ito, sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. “Bahala ka nga d’yan, iyong pagkain mo nasa may lamesa na. Kumain ka na babalik na lang ako mamaya para iligpit iyon. O kaya iwanan mo na doon at bukas ko na lang ililigpit kung hindi

