Eighteen

2701 Words
    The search for my next assistant, starts now... actually no’ng isang araw pa.     Nagpaskil na kasi ako ng Hiring sa labas at may dalawang applicant ako kahapon kaso ‘yung first applicant ‘di ko pa man nakakausap pinaalis na ni Carter kasi raw lalake.     ‘Yung isang applicant naman ay babae pero kung makahawi ng buhok nung makita jowa ko eh wagas kaya ‘di ko tinangap.     Ngayon nag sisimula na ‘kong ma-stress sa paghahanap ng bago kong assistant.     “Baby..” Carter called, naglakad siya papalapit sa’kin at may bitbit na silya ‘saka inilapag ‘to sa tabi ko at umupo dito.     “Oh bakit?" Tanong ko.     “Wala maglalambing lang ako kasi wala namang ginagawa.”     I chuckled. “Carter nasa trabaho tayo, be professional.”     “Tss..” ‘Di niya pinakingan ‘yung sinabi ko at inakbayan ako ‘saka hinalikan ako sa pisnge.     “Carter mamaya ka ng maglambing.” Pagaangal ko.     “One kiss then titigil ako.” He pouts at me. Haay! Siguradong pag ‘di ko ‘to pinagbigyan lalo lang ‘tong mangungulit sa’kin.     Hinawakan ko siya sa magkabilang pisnge niya at binigyan siya ng halik na naging mahabang halik dahil sa pag respond niya. Ganyan yan eh! Pumaparaan nalang talaga minsan. Haha.     “Happy?" I asked.     He nodded, smiling. “Yes.”     Tumayo na siya at kinuha ‘yung upuan niya para bumalik do’n sa table niya.     Sa wakas, nag behave din ulit si boyfriend.     Nasa kalagitnaan na kami ng araw nang lumapit sa’kin si Carter at may kasamang tila Applicant. Lalake siya kaya nakakapagtakang pinakausap niya sa’kin. Siguro pasado sa kanya kasi yung tipo ng applicant na ‘to ang di niya pagseselosan. This applicant is skinny, not that skinny siguro magkasing katawan sila ni Macky.     “Magandang tanghali po, Ma’am.” He greeted, formally.     “Have a seat.” Sumunod naman agad siya ‘saka kami iniwan ni Carter.     Sinimulan ko na ‘yung interview kay skinny boy, na ang pangalan pala ay Louie at may experience naman na raw siya pag dating sa pagiging assistant ng isang photographer. Kaya tinangap ko na siya, sinabihan ko siyang mag dala ng ibang requirements at pag nagawa na niya ‘yon pwede na siyang mag start.     “Hired na ‘yung freak na ‘yon?” Tanong ni Carter pagkaalis ni Louie.     “’Wag mo nga siyang tawaging freak, Louie pangalan niya and yes hired siya.”     “Hawakan ka lang niya kahit dulo ng buhok mo baby, i swear sisirain ko mukha niya.”     I giggled. “Carter, i don’t think na katulad mo siya.”     “What’s that supposed to mean?” He asked amused.     I smirked. “Tingin ko alam mo ang ibig kong sabihin.”     He walks closer to me wearing a smirked on his handsome face. Hinawakan niya ‘ko sa bewang ko, dahan dahan niyang inilapit ang labi niya sa labi ko at pinaglapat ang mga ito.     “Ito ba ang ibig mong sabihin?” He asked smiling salaciously.     “Yah.”     “Urgh! I swear pag ginawa niya sayo ‘to, sisirain ko mukha niya na kahit mismo siya ‘di na niya makikilala sarili niya.”     I chuckled. “Napaka seloso mo talaga Carter.”     “You can’t blame me baby, you’re pretty.”     “Wow! Did Carter really said that I’m pretty?” I playfully asked.     “Yes! Coz you are  really pretty, baby.” He kissed me again and i willingly respond to his kiss. Inilagay ko ‘yung mga kamay ko sa balikat niya kaya mas lalong nag dikit ‘yung mga katawan namin.     “Ehem!!” Dinig naming boses ni Claire na dahilan para mahinto ang kiss namin. Sabay kaming tumingin sa direksyon niya.     “Claire ‘yung sense of timing mo lagi wala na sa lugar!” Carter said making me laughed.     “Pwede ba Kuya ‘wag mo nga ‘kong sisihin, ang sabihin ang sense of pangangailangan mo wala na sa lugar! Pati ba naman dito?” She sarcastically said.     “Oh c’mon we’re just kissing.” Carter said smirking, tumingin siya ulit sa’kin at hinalikan ako sa noo. “Sige na iiwan ko na kayo baka may pagkukwentuhan pa kayo eh.”     “No! Actually kayong dalawa ang kakausapin ko.” Claire said.     “Ano ‘yon?” Tanong ko.     “Uh kasi.. birthday ngayon ni Papa ang sabi ni Mama baka kung puwede do’n kayo umuwi ngayon sa bahay, baka lang kasi sa Unit ni Elli ka ngayon umuwi eh.”     “Wow! Ang dating ng sinabi mo parang binabahay ko na si Carter.”     “Bakit hindi ba?” Pilyong tanong ni Carter.     I slapped him on his shoulder. “Shut up, dude!”     “Sige do’n kami uuwi mamaya but in one condition..” Carter said sabay kaming tumingin sakanya ni Claire kasi may condition pa siyang nalalamaan eh.     “Ano ‘yon?” Claire asked.     “’Wag mo kaming istorbohin mamaya ni Elli.”     “Carter!!” I scolded. Pambihira talaga naman oh! Kailangan bang sabihin pa ‘yon?     “What?” He mouthed innocently.     Claire rolled her eyes. “No worries Kuya, I’m sure ayaw din paistorbo ni Elli.”     “Claire ‘wag mo na gatungan si Carter.”     She chuckled. “Aalis na ‘ko para maipagtuloy n’yo na ‘yung kung ano man ‘yang ginagawa n’yo.” Ngumisi siya sa’kin ng mapangasar bago bumeso sa’kin.     “Elli, gusto ko ng baby girl na pamangkin ha.” She whispered. My mouth fell, shockingly. Kumindat siya sa’kin ng mapangasar ‘saka nag paalam kay Carter at umalis ng studio.     Nakakaloka talaga ‘yung babaeng ‘yon buti nalang at ‘di narinig ni Carter. Haay! Magkapatid nga sila!     “Anong binulong niya at ganyan ang itsura mo?” Tanong ni Carter.     “Wala!”     “Meron eh!” Pagpupumilit niya.     “Wala nga! Bumalik ka na sa table mo.”     “Si Claire nalang ang tatanungin ko mamaya.”     “Fine Claire said, she wants a girl pamangkin.”     “Woe— wait, are you preg—“     “What? No!” I snapped. Diyos ko Lord! Isipin daw ba namang preggy ako? “Bumalik ka na sa table mo.” Utos ko.     “Are you sure hindi ka—“     “Hindi nga Carter, nang titrip lang ‘yung si Claire ‘wag mong seryosohin.” Pagpuputol ko ulit sa sasabihin niya.     “Okay.” Hinalikan niya lang muna ako sa noo tsaka bumalik sa table niya.     Haay! Sa wakas, akala ko ipagpupumilit pa niyang mag tanong eh. Eto naman kasing si Claire eh minsan kung ano ano ng lumalabas sa bibig.     Nang sa wakas matapos ang working hour...     Sinara lang ni Carter ang studio ‘saka kami bumyahe pauwi ng Unit ko muna kasi kukuha ako ng pang palit kong damit para ‘di na ko manghiram kay Claire.     Sa pag dating namin hindi na ‘ko nag aksaya ng oras sa pag kuha ng gamit ko at nag madali rin naming umalis dahil plano pa naming bumili ng puwedeng i-regalo kay Tito.     Honestly pareho kaming hindi alam ang ireregalo, so it ended up na bumili nalang siya wrist watch habang ako naman uh... necktie nalang. Wala kasi talaga akong maisip.     Nang makarating naman na kami ni Carter sa bahay nila nang magkahawak ang kamay namin habang bitbit niya ‘yung bag ko at regalo namin for Tito.     Dumiretso kami sa sala kung saan nando’n si Claire at ang boyfriend niyang si Carl na nakaupo at nagtatawanan lang.     “Hi guys.” I greeted them. Lumapit sa’min si Claire at bumeso. Si Carl naman tumango lang sa’kin bilang pag bati habang nakipag kamay siya kay Carter.     “Buti dumating na kayo, kanina pa namin kayo hinihintay.” Claire said.     “Bumili pa kami ng regalo para kay Tito.” Sagot ko.     “Mmm… i see, anong regalo n’yo?” Tanong niya.     “Wrist watch kay Carter and necktie sa’kin.”     She laughed. “Oh my god! Same tayo, si Carl wrist watch, ako necktie.”     Oh wow! Akalain mo nga naman oh! Hindi kami nag usap niyan ah, nagkataon lang talaga.     “I-a-akyat ko lang sa kwarto tong gamit mo baby.” Carter said.     “Okay, thank you.” Hinalikan niya lang ako sa ulo ‘saka siya umakyat sa taas.     Hinila naman ako ni Claire papunta sa couch at umupo kami. “Hindi ko ‘to natanong kanina nung nasa studio ko kasi alam mo na busy kayo ni Kuya sa paghahalikan…”     “Sabihin mo nalang Claire.” Dami pang pasakalye eh.     “Bakit naghahanap ka ng bagong assistant? Nakita kong nakapaskil ‘yon sa labas ng studio.”     “Oh!! Uh... Plano ng mag resign ni Carter kaya naghahanap na ‘ko ng bagong assistant.”     “Bakit daw siya mag re-resign?”     “Uh.. dahil boyfriend ko na raw siya and—“     “Elli, nandito na pala kayo.” Hindi ko natapos sasabihin ko dahil biglang nag salita Tita. Sabay kaming tumingin ni Claire sa kanya at kasama niya si Tito.     Lumapit ako sa kanila at bumeso. “Happy Birthday po Tito.” Bati ko.     “Salamat hija.” He said nicely.     “Nasaan pala si Carter?” Tita asked     “Nasa kwarto po niya, nilagay lang ‘yung gamit ko.” Sagot ko.     “I see.. Claire, tawagin mo na Kuya mo sabihin mo kakain na tayo.”     “Opo.” Pagkasabi niya nun, umakyat na si Claire papunta do’n sa kwarto ni Carter. Habang kami ni Carl sumunod na kila Tita sa dining room at do’n nalang daw namin hintayin ‘yung magkatabi.     Umupo na kami habang wala pa ‘yung dalawa, nasa tapat na upuan si Carl at yung sa empty chair nasa tabi niya ay for sure upuan ni Claire mamaya, habang ‘yung nasa tabi kung walang nakaupo ay kay Carter. Nasa magkabilang dulo naman si Tita at Tito.     “We’re here.” Dinig naming sabi ni Claire, kaya tumingin kami sa direksyon nila. Nakasunod lang sa kanya si Carter na direktang nakatingin sa’kin.     Lumapit agad sa’kin si Carter at hinalikan ako sa ulo na akala mo ngayon lang kami nag kita, pagkaupo niya hinawakan niya agad yung kamay ko.     Sinimulan na namin ang celebration for Tito, sinindihan muna ni Claire ‘yung kandila ‘saka namin kinantahan ng Happy Birthday si Tito na may kasamang pagpalakpak buti nalang bumitaw muna si Carter sa pagkakahawak sa kamay ko. Pero ‘di rin naman nagtagal ‘yon pagkatapos kasi namin kantahan si Tito hinawakan niya agad kamay ko.     Sunod naman ay inabot namin ‘yung regalo namin kay Tito ‘saka naman kami nagsimulang kumain, mahirap nga lang sa side ko dahil nasa right side ko si Carter at right handed ako, ayon.. left ko ang ginagamit kong pangkain dahil hawak niya yung kamay ko at ayaw niyang bitawan.     “Anak kumusta naman ang trabaho mo may kay Elli.” Tita asked Carter. Siguro kaya tinanong siya ni Tita ay dahil siya lang ang tahimik sa’min na akala mo siya ‘tong taga labas.     “Ayos lang po, ang totoo mag reresign na ‘ko dahil plano kong bumalik sa pagaaral.” Napahinto ang lahat sa pagkain maliban sa’min ni Carl na halatang nagtaka sa paghinto nila habang nakatitig sila kay Carter.     “Magbabalik school ka, anak?” Gulat na tanong ni Tita. Wait hindi pa ba niya binangit ‘yon sa kanila?     “Opo.” Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Carter sa kamay ko.     “Magandang balita ‘yan, hijo.” Tito said smiling nicely.     “Alam mo na ba ‘to?” Claire asked me.     “Oo.” Matipid kong sabi.     “Siya ang una kong sinabihan.” Dagdag ni Carter.     “Bakit ‘di mo sinabi sa’kin?" Tanong ni Claire sa’kin.     “Uh... hindi ko alam na ‘di pa niya sinabi sa’yo.” Sabi ko sabay inum ng tubig.     “Buti naisipan mong bumalik sa pagaaral, masaya ko para sayo anak.” Tita said.     “Para ‘yon sa future namin ni Elli.” Bigla akong nasamid sa ininum ko dahil sa nabangit ni Carter. Shemay! Nang bibigla naman ‘tong si Carter, dati sinabi niya na gusto niya lang magka degree tapos ngayon sa future na pala namin.     “Sorry po.” I quickly apologized.     “You okay?” Carter asked chuckling.     “Mukhang kinilig si Elli sa sinabi mong para sa future n’yo kaya ka babalik sa pagaaral, Kuya.” Claire teases.     “Really?” Carter asked me wearing a smirked on his face. Kumain nalang ako at ‘di na sumagot, itong kaibigan ko talaga minsan sarap lagyan ng tape sa bibig eh.     “Girl, you’re blushing!” Claire teases again, laughing. Urgh! Shut up Claire!!     Inilapit ni Carter yung hawak niyang kamay ko sa labi niya at hinalikan ito kaya mapatingin ako sa kanya. “I love you.” Carter mouthed at me.     “Kinikilig ako sainyo!” Claire said giggling. Kung siya kinikilig, paano pa kaya ako? Grabe naman kasi, walang pinipiling lugar ‘yung pagpapakilig ni Carter kahit sa harap ng Mama niya at step father niya.     Natapos ang dinner Birthday for Tito, ang boys ay planong uminum muna habang kami nag stay muna sa kwarto. Nag bihis lang muna ako ‘saka ako pumunta ng kwarto ni Claire para makipag chikahan tutal umiinum pa ‘yung boyfriend ko.     Kinamusta ko siya about do’n sa modeling search, bukas na raw ang taping nila at planong i-ere ang show ng Thursday Night.     So may papanuorin pala ako sa Thursday.     “Alam mo iba talaga dating ng Kuya ko sa’yo.” She suddenly said.     “Ano naman?”     “Blooming ka girl.”     “Ganito lang talaga itsura ko ‘no.”     “No! Blooming ka talaga!”     I shrugged. “Okay sabi mo eh.”     “Nag propose na ba si Kuya?” Tanong niya.     “Hindi ‘no! Ni ‘di ko pa nga siya nadadala sa Cebu eh, propose agad?”     “Kailan mo ba siya planong dalhin do’n?”     “Sa weekend siguro, gusto na rin siya mameet nila Mama eh.”     “Taray, sa meet your parents na pala ang next.” She teases again.     “Elli..” Dinig naming tawag ni Carter at base sa boses niya lasing na siya. Dali-dali kong binuksan yung pinto, pagkabukas na pagkabukas ko niyakap niya agad ako. Dahil sa kalasingan niya parang hirap na siyang tumayo buti nalang at nakayakap siya sa’kin kaya naaalalayan ko siya.     “Baby..” He murmured.     “Let’s go to your room.”     Bumitaw siya sa pagkakayakap sa’kin at hinawakan ako sa magkabilang pisnge at bigla akong hinalikan sa labi then leeg ko na ikinagulat ko.     “Carter!” I scolded. Grabe kasi nandito pa kami sa pinto ng kwarto ni Claire.     “I love you Elli.” He murmured kissing my neck. Hinawakan ko siya sa magkabilang pisnge para tigilan ang kakahalik sa leeg ko.     “Lasing ka na, do’n na tayo sa kwarto mo.” Inangkla ko sa balikat ko ‘yung braso niya para alalayan siya. Habang ako nahihirapan sa pagaalalay sa kanya, siya naman nagpupumilit pa rin na halikan ako. Haay! Pambihira talaga!     Nang maipasok ko siya sa kwarto niya, ibinagsak ko siya sa kama niya dahil sa bigat niya. Hinubad ko lang yung T-shirt niya para makatulog siya ng komportable. “Elliiii..” He called.     “Matulog ka na Carter.”     “I love you.”     I smiled. “I love you too.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD