Chapter [25] "A-and worst thing happen to me," napahikbi na lang ako. 'Yong alaalang matagal ko nang kinalimutan ay parang slide show sa utak ko. Ang mga pangyayaring 'yon ay parang sariwa pa rin hanggang ngayon. Simula din no'n naging malapit ako sa parents ko at hindi sila umalis sa tabi ko. Bigla namang na pakunot ang nuo niya dahil sa sinabi ko. Hindi ko alam kung kaya ko bang sabihin sa kanya ang nakaraang kong 'yon. Natatakot ako na baka kamuhian niya ako o kaya naman iwan sa ere. "Worst thing? What is it, baby?" curiosity is visible in silver eyes. Natameme ako sa kawalan ayaw lumabas ng kahit anong salita mula sa bibig ko. Hindi ko pa yata kayang sabihin ang bagay na 'yon kay silver. Ayoko pa. "Wa-wal-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng nag mag hiyawan ang mga tao

