Chapter 2: Ang Pagtatagpo

1252 Words
Nakapangiti si Lucille habang binabasa ang email mula kay Paige, ang assistant ni Drake Valtor. Ang mga salita ay tila naglalaman ng misteryo at pag-asa. "Dear lucille, Our boss, Mr. Drake Valtor, is interested in assisting your family. He would like to discuss his offer with you personally. Please reply to this email for further details. Best regards, Paige Assistant to Mr. Drake Valtor" Nakaramdam si Lucille ng kaba at pag-asa. Anong mga kondisyon ang kailangang tuparin para sa tulong ni Drake? Mayroon ba siyang mga lihim na plano? Lucille took a deep breath and started typing on her laptop. "Dear Paige, I accept Mr. Drake Valtor's invitation. I'm looking forward to our meeting. Best regards, Lucille" Paige immediately replied: "Dear Lucille, The meeting is scheduled for Tuesday at 3:00 PM at Mr. Valtor's office, 23rd floor, Valtor Tower, Makati. See you then. Best regards, Paige" Isinara ni Lucille ang laptop at dinala ang kaniyang handbag. Sa labas ng opisina, napansin niya si Ryan, ang assistant manager ng kaniyang shop at matagal na niyang kaibigan. Napangiti si Ryan. "Lucille, mayroon ka bang plano ngayon?" "Tumanggap ako ng imbitasyon mula kay Drake Valtor," sagot ni Lucille. Nagulat si Ryan. "Drake Valtor? Ang kilalang 'Devil Eye'? Anong gusto niya sa iyo?" KINABUKASAN Sa Loob Ng Shop Nakangiti si Lucille habang nag-aayos ng mga damit sa rack. Biglang nagtingin siya sa orasan: 10:00 AM na. May dalawang oras pa bago ang pagtatagpo kay Drake Valtor. Naisip ni Lucille ang mga posibleng kondisyon ni Drake Valtor. "Anong mga hiling mo, Mr. Valtor?" tanong niya sa sarili. Nagpakita si Ryan, ang kaibigan ni Lucille. "Lucille, handa ka na ba para sa pagtatagpo?" tanong niya. Alanganin man ang pakiramdam ni Lucille, ngumiti parin siya "Oo Ryan nakasalalay dito ang kapakanan ni Daddy ." Nag aalala naman si Ryan sa kaniya. " Ano kaya itsura niya? At ano kayang klaseng tao siya? Tanong ni Ryan. Huminto sa Pag aayos ng mga damit sa rack. Sa totoo lang kagabi pa siya napapa isip . "Hmm di natin alam " Tipid niyang sagot Kay Ryan. Ryan: "What if matanda na siya, may uban na at nakasuwelo?" Lucille: "Haha, baka naman may wheelchair pa!" Ryan: "At may nakakabit na oxygen tank!" Lucille: (natatawa) "Tigilan mo, Ryan! Hindi ako makakapag-isip ng maayos." Ryan: "Sorry, Lucille. Pero seriously, mag-ingat ka, ha?" Lucille: "Oo, mag-iingat ako. Salamat, Ryan." Nagtingin si Lucille sa orasan: 2:00 PM na. Oras na para sa pagtatagpo kay Drake Valtor. Nag-aalala si Ryan. "Lucille, huwag kang mag-alala. Andyan ako para sa iyo." Nagpahinga si Lucille. "Salamat, Ryan. Kailangan ko lang ng lakas ng loob." Lumabas si Lucille ng shop at nagtungo sa Valtor Tower. * Sa Loob ng Taxi Nakailang beses nang si Lucille ay sumilip sa kaniyang wrist watch habang naghihintay ng pagdating sa Valtor Tower. Ang kaniyang dibdib ay kumakabog sa pagkakabahala. "Ano kaya ang mangyayari?" tanong niya sa sarili. "Magiging makabuluhan ba ang tulong ni Drake Valtor?" Nagpahinto ang taxi sa harapan ng Valtor Tower. Nagbayad si Lucille at lumabas. Ang Valtor Tower ay isang makabangong gusali na sumasagisag sa kapangyarihan at kayamanan. Nagpahinga si Lucille bago pumasok. Nagpapakalma si Lucille sa sarili habang tinitingnan ang taas ng Valtor Tower. "Kaya mo 'to, Lucille. Everything will be okay," paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili. Hinikayat niya ang sarili pumasok sa gusali. Naglakad siya papunta sa reception area. "Good afternoon, po," bati niya sa receptionist. "Lucille ang pangalan ko. May appointment ako kay Mr. Drake Valtor." "Good afternoon, Ms. Lucille. Welcome to Valtor Tower. Paki-wait po, tatawagan ko ang assistant ni Mr. Valtor." Naghintay si Lucille habang tumataas ang kaniyang pagkakabahala. Anong mga kondisyon ang hinihiling ni Drake Valtor? "Ms. Lucille, pakidumog na po sa elevator. Ang assistant ni Mr. Valtor ang susundo sa inyo sa 23rd floor." Huminga ng malalim si Lucille at naglakad papuntang elevator. Nagdadalangin siya ng lakas ng loob. Pag sakay niya sa elevator pinindot niya ang number 23 . Pagdating sa 23rd Floor Nagbukas ang elevator. Lumabas si Lucille at nagtungo sa opisina ni Drake Valtor. "Hello, Ms. Lucille," Paige said with a warm smile. "Please follow me." Lucille nodded, her heart racing with anticipation. "Thank you," she replied softly. Pagpasok sa Opisina Pumasok sila sa maluwang at eleganteng opisina ni Drake Valtor. Ang mga pader ay may kulay puti at kayumanggi, na nagbibigay ng impresyon ng klasika at modernong disenyo. Sa gitna ng silid, may isang malaking mesa ng kahoy na may makintab na metal na detalye. Sa likuran ng mesa, nagkalat ang mga larawan ng mga kilalang personalidad sa negosyo at pulitika. Ang opisina ay may malawak na bintana na nagbibigay ng magandang tanawin ng lungsod. Sa isang sulok, may isang malaking Bookshelf na puno ng mga libro sa iba't ibang larangan. Ang sahig ay may makintab na marble na nagbibigay ng elegante at propesyonal na atmospera. Pumasok si Drake Valtor, isang matangkad at guwapong lalaki na nasa edad 29. Ang kaniyang mga mata ay may kakaibang kislap, nagpapahiwatig ng kaniyang katalinuhan at kapangyarihan. "Ms. Lucille," bati niya. "Salamat sa pagdating. Have a seat." "Salama po, Mr. Valtor," sagot ni Lucille. "Nandito ako para humingi ng tulong sa aking ama. May utang po kami na hindi namin kayang bayaran." "Ang iyong Ama na si Mr. Agustino Buenavista tama? Natanggap ko nga ang email niya ilang linggo na ang nakakaraan. And his been depths in a Bank?. Sa lamig ng kakaibang hatid ng Bose's ni Drake ay hindi maiwasan ni Lucille ang pagnginig ng kaniyang nga kalamnan. "Yes Mr. Valtor, at Kaylangan namin ng tulong mo." Tila na tuyo ang kalamnan ni Lucille. Tinitigan siya ng mabuti ni Mr. Valtor. Tumayo ito habang nakapamulsa ang kamay . Naglakad patungo sa malaking bintana " If I help you I have a condition, would it be okay to you?" Nakatanaw mula sa bintanang tanong niya. Sinundan ng tingin ni Lucille ang nakatalikod na si Drake . Bumuntong hininga si Lucille, nag-aalala sa kondisyon ni Drake Valtor. "Anong kondisyon po, Mr. Valtor?" tanong niya, na nagpapakita ng pagkabahala. Nagbalik si Drake sa mesa, ang kaniyang mga mata ay nagkakatingin kay Lucille. "Mayroon akong isang kondisyon, Ms. Lucille," sabi niya. "Kailangan mong maging asawa ko sa loob ng isang taon." Nagulat at nagnginig si Lucille. "Anong ginagawa ninyo, Mr. Valtor?" tanong niya, nagpapakita ng pagkabahala. "Isang kasunduan, Ms. Lucille," sagot ni Drake. "Ang iyong ama ay makakabayad sa utang niya, at ikaw ay makakakuha ng proteksyon at seguridad. Ngunit kailangan mong sumunod sa lahat ng utos ko."? Saglit na katahimikan ang namayani kay Lucille. pinagmasdan ni Drake ang babaeng katapat niya ng upuan. Drake pov. *Pagbalik sa Nakaraan Muling nagbalik ang aking isip sa alaala ng nakaraan. Isang gabing maulan at madilim, pauwi ako mula sa isang party event habang naka sakay sa motor ko. Mabilis ang pagpapatakbo ko, walang masyadong sasakyan sa daan. Biglang may sumemplang sa harapan ko. Hindi ko napigilan ang pagpapatakbo ng motor. Nang dumating ang sandali ng pagkakasalubong, nakita ko si Alisya Buenavista, ang ina ni Lucille. Hindi ko inaasahan na ang aksidente na iyon ang magiging dahilan ng pagkawala niya. Matapos ang aksidente, naglaho ang liwanag sa mata ni Alisya. Hindi ko malilimutan ang mga huling salita niya: "Anak ko... Lucille..." Ang pagkawala niya ang naging dahilan ng aking pagbabago. Ngayon, nakatitig ako kay Lucille, ang kahalintulad ng kaniyang ina. Ang pagkakataon ay nagbigay sa akin ng pagkakataong itama ang nagawa ko sa nakaraan. Kailangan kong protektahan si Lucille, kahit na ang ibig sabihin noon ay kailangan kong ibigay ang aking buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD