HADEN: TAHIMIK akong nakatayo dito sa balcony habang may dalang beer in can na iniinom. Kanina pa natutulog si Sofi sa silid. Habang ako ay mailap naman ang antok sa akin. Hanggang ngayon kasi ay hindi ako makapaniwalang. . . niloko din ako ni Lalyn. Napatungga ako sa beer ko na mapait na napangiti habang naaalala ang nakaraan namin. Kung paano kami nagkalapit at. . . naging official. FLASHBACK: ABALA ako sa trabaho dito sa opisina ko. Bagong upo pa lang ako bilang Captain ng headquarters namin. Malayo ako sa pamilya kaya tanging mga katrabaho ko ang naging pamilya at kaibigan ko dito. Ang headquarters namin ay may katabing paaralan ng elementary. Pero dahil abala ako sa trabaho ay hindi ako updated sa mga bagong kaganapan sa paligid ko. Isang umaga. Habang papasok ako ng trabaho

