SOFI: TAHIMIK akong nakikinig lang sa mga kapatid ni Haden na nag-uusap-usap sa gilid. Hapon na pero wala pa ring malay ito. Ang sabi naman ng doctor niya ay ligtas na sa panganib si Haden. Hinihintay na lang naming magising ito. Inihatid na rin nila si Hades sa Tarlac. Wala rin naman siyang maitulong dito. Umiinit lang ang ulo ko sa tuwing nasusulyapan itong nakamata sa amin ni Haden. Hindi ko alam pero. . . napakalungkot ng mga mata niya na halo-halong emosyon ang mababasa mo doon. Napahinga ako ng malalim na matamang nakatitig sa asawa ko. Hawak ang kamay nito na nakaupo lang sa tabi niya. Kahit ang pagkauhaw at gutom ay hindi ko na maramdaman sa labis na pag-aalala ko dito. Hindi pa rin mapalagay ang loob ko kahit stable na ang lagay nito. Napagkasunduan din nila Kuya Delta at Dad

